Maraming hindi nakakaalam kung ano ako dati. Ibang iba sa kung ano ako ngayon. Sobrang kakaiba. Tingin ko kasi sa sarili ko ngayon, parang wala lang. Ordinaryong tao. Nag-iisip lang kung kailan kailangang- mag-isip. Hindi aktibo. Sunud-sunuran sa iba. Bobo. Hayyy.. bakit kaya?.. hindi ko inaapi sarili ko.. nagtataka lang ako kung bakit hindi ko na magawa yung mga bagay na nagagawa ko dati. Kung kakayahan at accomplishment lang naman ang pag-uusapan, siguro naman hindi ako kulelat doon, , iyon lang talaga pinagtataka ko.
BAKIT HINDI KO NA MAGAWA NGAYON?.. ?... na-expired na ba lahat ng kakayahan ko?. Kasama pati tiwala ko sa sarili?.. ang hirap ipaliwanag.. nanghihinayang ako. Lalo na kapag naaalala ko ang dati.
Noong Elementary.. lagi akong may honor.. (ngayon, magkaka uno lang ako kapag katulad ni Sir abz ang prof.) Noong haiskul, ito mabulaklak ang karir ko. 1st year to 3rd year, top 1 ako.. ngayong college wala na, alitaptap nalang. Para na lang akong alitaptap na aali-aligid sa ibang tao. Naaalala ko dati, para akong santo noong haiskul.. ginagalang, iniidolo. Buong campus yata nakakakilala sa akin..ngayon, tambay nalang ako ng hall way. Para kong gago. Nag-aabang ng may makakakilala sa akin. Ang weird. Bakit kaya ganoon?.. hay.. ito talaga ang pinakamasaklap, tingin ng ibang tao sa akin, BOBO. Haha. Walang alam. Walang silbi.
Minsan naiisip ko rin, bakit nga ba hindi ako sumali sa mga extra curricular activities na lagi ko naming ginagawa noong haiskul?. Tingin ng ibang tao sa akin, taong walang nakamit sa buhay.. hehe. Doon naman sila mali. May mga nagawa naman ako kahit papaano. Nagulat nga ako eh pag naiisip ko ang mga iyon ngayon, grabe, ang galing ko pala. (slight) noong haiskul, marami akong naipanalong article sa mga PRESS CONFERENCE. Nagsimula ako sa district hanggang paggising ko isang umaga nagsusulat na ako sa Regional Secondary School Press Conference. Hayop. Nagawa ko pala yon, samantalang ngayon, ni isang saknong wala akong maisulat. Kung mayroon man, non sense pa. Adik. Bakit kaya ganoon. Marami na rin akong naatendnan na SEMINARS, iba’t ibang lugar pa. History Maker pa ko ni Sonny Belmonte Center for Excellence, isang taon ko rin yong pinagpaguran, pero ngayon, makaupo lang ako ng kalahating oras sa UCC inaantok na ako. Wala man lang akong naiintindihan sa mga pinagsasabi ng mga speaker. Dyahe.
Bakit kaya ganon?.. hay.. dati nakasali na rin ako sa National quiz Bee, yung, Digital LG Quiz, akalain mo yun. Pero ngayon, 50 item test , kalahati lang nakukuha ko. Sabog na utak ko, nosebleed pa. Haha. Latak na lang yata mga nasa utak ko. Tapos tinuringan pa kong Editor in chief sa School news paper namin, pero ngayon, wala na kong maisip na magandang maisulat. Kung mayroon man, wala akong gana. Buhul-buhol pa ang grammar. Bakit kaya ganon?.. tsk.tsk. feeling ko tuloy canned goods ako na na-expire na.
Dati rin, nakakaya ko pang makipag-usap sa mga Principal ng iba’t ibang school sa Q.C, sa mga councilors, kay Sonny Belmonte, kay PNP Chief Ebdane, pero ngayong college, isang word pa lang nahihirapan ng bumuka ang bibig ko kapag may kaharap na prof. Ang adik ko. Para akong tanga. Hayyyyyzzzz… Bakit kaya?.. simula ng maitanong ko sa sarili ko ang mga bagay na ‘to, isa lang ang naisip kong dahilan.. dahil siguro kay ciara. SIGURO lang naman. Pero parang hindi rin.. baka ako talaga ang may problema?.. o baka naman wala naman talagang problema at ginagawan ko lang.. hahaha.. siguro nga.
Simula ng pumasok ako dito sa FEU, napraning na ang utak ko. Puro insecurities (siguro nga isa ‘yon sa mga dahilan), na sa sobrang kainsekyorahan ko, wala na kong nagagawa. Ewan. Ang gulo. Pero minsan, sinisisi ko rin yung mga nasa paligid ko, mga nagyayabang-yabangan ba, kala mo kung sinong magaling. At iyon siguro uli ang problema, nagpapaapekto ako. Wah!!!! Ano ba. Ang gulo. Bakit nga ba ganito na ko ngayon?..
Expired na yata talaga ko. Hindi ko man lang nabasa kung klan yung expiration date ng maganda kong karir dati. ‘yan tuloy, mukha kong ewan ngayon. Hindi ko kasi napahalagahan. Last year ko na ‘to sa college, wala man lang akong napatunayang kakayahan. Haiz…. Siguro babawi na lang ako kapag nakagraduate na ko. Baka sa panahong yon, may bago na uli akong mabulaklak na karir. At ang pinaka-una kong gagawin titignan ko yung tatak na “Best before end” mahirap na, baka masayang uli. =)
Wednesday, January 14, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

"ngayon, magkaka uno lang ako kapag katulad ni Sir abz ang prof."
ReplyDelete~ hahaahahha OO nga apir! Pareho tayo ng dinaranas! =)
Naeexpire lng ang tao pag Patay na. walang expiration date ang tao pag buhay pa. tikman mo yung mga patay. . . yak hahahaha! no. my point is, what you believe is what you are. so be positive spread your wings! angel ka dibah? hehehe!
ReplyDelete