Thursday, January 8, 2009

LEVIR SPRAED



Piyo, lugar kung saan tayo nagkatagpo,

nagsimula sa blanko hanggang naging grupo.

Isa, dalawa, sampu, ayun at nagpakarami Tayo,

Iisa ang siphayo, at ang bugso ng puso’y maging guro!


Balikan natin ang nakaraan,

Ang lahat ng pinagdaanan.

Tawanan, tampuhan, iyakan at murahan,

Simbolo ng tunay na samahan.


Madalas man tayong apihin,

Nang iba na akala mo ay mataas pa sa building.

Andito pa rin tayo at taas noong nakatingin,

Nakabantay at nakatanaw kung sakaling may sasaling.


Maraming alaala ang nabuo, sa tambayan nating parang kanto,

Pero hallway lang yun no, na sakop natin hanggang dulo.

Sa samahang ito ako natutong bumasa,

Bumasa ng nararamdaman ng iba.

Dito rin ako natutong sumulat

Kahit na walang gamit na panulat.

Dito ako natutong makinig,

Sa mga pusong umiibig at nangingibig.

At dito ako natutong magsalita,

Nang mga ideya at payo na kala mo’y propeta.


Hindi man tayo mga henyo,

Matalino naman tayo sa PUSO!.

Kahit na laging lapitin ng tukso,

At tinatawag na Tropang Kabayo.


Maraming taon na nga ang lumipas,

Iba’t ibang ugali ang lumabas.

Ngunit tila tangkay pa rin ng ubas (nanatiling tangkas)

kahit na mayroon nang umalis at nabawas.


Isipin nyo kung walang GURO, siguro wala rin tayo,

Pagkat kung ibang kurso ang kinuha ninyo?

Tingin nyo mabubuo tayo?..

Kaya salamat Piyo, sa Eduk mo kami pinagtagpo.


Apat na taon na nga ang naigugol,

Samahan natin dito na ba mapuputol?

Ang iba ay kailangan ng lumisan,

At haharapin na ang hatol ng lahat ng pinagpawisan.


Tk, ito ang tatandaan ninyo,

mapadpad man kayo sa kung saang lupalop ng mundo,

Baunin ninyo itong puso ko, na punung-puno ng pagmamahal nyo.


Malapit na nga ang araw ng pamamaalam,

Sa mga pusong alam kong magdadamdam.

Isipin nyo nalang may dapat tayong patunayan,

Para hindi na tayo ikumpara sa isang palaman.


Konting araw na lang ang natitira,

Sana huwag na nating sayangin di ba?

Mahalin natin ang isa’t isa,

Ipagmalaki natin na tayo’y tatak tropakada!


Picturan…(na kahit tulog ay naka posing)

Tawanan…(at lahat ng tao’y mapapatingin)

Lambingan…(pagkat di uso sa tin ang maasim)

Yakapan…(sa tuwing tayo’y may kinikimkim)

Lagi ko iyang mamimis. pati rin ang burgeran kung san tayo kumakain.


Marami akong natutunan sa inyo…Mga bagay na kayo lang ang nagturo.Tulad nalang ng sagot sa tanong na ito..“NASAAN ANG TK?..” at magrereply kayo..“NASA PUSO!”




Maiiyak talaga ako pag nagkalayo na tayo..

Saluhan nalang ng luha,pag-akyat natin ng entablado.

No comments:

Post a Comment