Saturday, January 31, 2009

Writing is the brink from life and death;
you either write your last words or write to cope with your problems.
Which one will you do? ='(

ouch! ='( i hate this feeling..

I can’t stand to live anymore,
I just want to die and end it all.
The pain of living is just the start,
I’m sorry that I’m breaking your heart.
It started with hate, but now it’s little too late.
My life is a mess and I can only confess,
That inside it hurts none the less.
I’m sorry for all the trouble I’ve caused,
But in the end it’ll be okay because this is the only way.
I’m sorry for worrying you,
I’m sorry for distressing you.
I’m sorry for killing you inside.(when i got pregnant)
Mama.. it saddens me to see you cry..
eventhough were not too close,
You’re the one who helped me get by.
You taught me to walk..
You taught me to talk...
Without you I wouldn’t even be here.
Papa... you’re the greatest guy in the world.
I never appreciated the time we had...
Inside I was papa’s girl..
But I never showed you I cared.
Without your guidance I wouldn’t be here,
You told me that I never had to fear.
I miss you Papa..sorry If I gave you some tears..
For such a long time,
I have felt this way and all I have to say is “I love you”..
and another I love you for all the people i love..
especially those people who left me behind..
Papa your the best father a girl could ever have...
Mama, i love you eventhough I didn't open it up..
Friends, I will miss you, if the time will come and i need to give up..
Ciara, you are the most precious gift that i received from up above..
i feel so blurd..
empty...
forsaken..
idle...
depressed..
all I want to do is die...
So this, I guess, is my goodbye.
='(

Friday, January 30, 2009

R.E.N.G.I.E

Tao… nilikha ng Diyos sa ikapitong araw…
Si Eba at Adan.. naging simbolo ng sangkatauhan.
Dalawang kasarian, at wala nang iba pa man..
Taong nilikha ng Diyos na may dapat gampanan..

Ang babae,ay dapat magpakababae..
Ang lalaki,ay dapat magpakalalaki..
Ngunit ..
Paano kung hindi ganoon ang nangyari?..
At biglang nagkaroon ng panibagong lahi.

Lahi ng mga berde ang dugo..
Na kadalasang kinaiinisan ng maraming tao.
Minsa’y hinahamak at tinutuksong kabayo,
Pero kung iisipin ninyong mabuti..
Isa sila sa nagpapasaya sa mundo!..

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

OO!!
Isa ka sa nagpapasaya sa maraming tao!
Nagmamahal ng lubos sa mga kapamilya mo.
Nagpapatawa sa aming mga kaibigan mo..
At higit sa lahat.. nagbigay kahulugan sa tunay na pagiging tao.

Na kahit ganyan ka..at tinatawag na bakla..
Binigyan mo ng saysay ang buhay.
Hindi ka nagpapaapi at di pumapayag na malumbay.

Masayahin ka kung tignan,
Na sumisimbolo sa iyong katauhan.
Na siya ring bumubuhay sa aming pagkatao.
Pagkat kailangan namin ang tulad mo.

Dahil isa ka sa nagpapasaya sa tropa..
Nangunguna minsan sa pangungutya.
Ikaw na laging maaasahan sa maraming bagay,
Takbuhan kapag may gusto kaming ipaokray.

Marami ka ring linyang pinauso…
Mga salitang binigyan mo ng anggulo.
Alam mo bang Araw-araw..
Lagi namin iyong namimiss..
Tulad ng pinasikat mong,
“TATRY KO..PERO DI KO MAPAPROMISE…”

Nagbigay tatak sa iyo ang iyong mga halakhak..
Ang walang humpay mong sigaw at pagpadyak.
Buhay na buhay ang hallway kapag ikaw’y tumatalak,
Pero...
Ang hindi namin malilimutan ay ang Open Forum natin,
Kung saan pinilit mong huwag umiyak..

alam namin sa loob-loob mo…
Gusto mong sumigaw..
Gusto mong pumalahaw..
Iyon ang unang araw kung kailan nakita kang naging mababaw…

Subalit pinilit mong maging ikaw..
Kaya’t pinigil mo ang lungkot na sa ati’y nangibabaw..

Ganyan ka namin nakilala..
Ganyan ka namin tinanggap..
NGUNIT…
Bigla kang hindi mahagilap..
Ilang buwan at taon ka rin naming hinanap..
Para muli kang mayakap at makausap.

Lumipas na nga ang mga araw..tuluyan ka ng naglaho,
Iniisip palagi kung ikaw ba’y napapano.
Inaasahan na lang namin ay ang txt na galing sa iyo…
Patuloy na nakikibalita sa BAGONG takbo ng buhay mo.

Sa bawat balitang natatanggap, talagang nakakagulat,
Pero uni-unti kaming namulat..
Umalis ka para tuparin ang iyong pinapangarap..
Ang sa iyo’y baguhin ang lahat-lahat…

Ang buhok mo..
Ang katawan…
Ang itsura..
Ang galaw..

‘HUWAG mo lang sanang baguhin ang ugali mo
kung saan ka namin MINAHAL…

at ngayong kaarawan mo…
isa lang ang aming hiling..
iyon ay ang maging Masaya ka,
sa mundo na iyo ring hinihiling…

Mahalin ka pa ng mga taong nasa paligid mo,
Sa kabila ng ibang tingin nila sa iyo.
Basta’t patunayan mo lang na mabuti kang tao…
Maiaangat mo ang sarili sa mali nilang pagtrato.

Alam din naming naiintindihan ka ng Maykapal,
Kahit nasa pagitan ka ni Eba’t Adan.
Di ba’t puso naman ang kanyang tinitignan?
Kaya’t huwag kang mag-alala..
Hindi naman siguro kasalanan ang maging ganyan.

Ngayon nga, ganyan ka na..
Bukas ano na kaya?..
Sana…
Kung ano pang maisipan mong ipa-iba,
Ay manatili pa rin sa puso’t isipan mo ang TROPAKADA..






ilabyou ate shawi..

Wednesday, January 28, 2009

"At the touch of love everyone becomes a poet."
-- Plato

Tuesday, January 27, 2009

Y?

Nagulat...nanibago..nagtaka..
Iyan ang naramdaman simula ng muli kitang makita..
BAKIT NGA BA??
Tara, samahan mo kong alamin kung bakit ba talaga..

Pitong taon na ang nakalilipas..
simula ng una kang makita sa labas..
sa labas ng klasroom namin na palakad-lakad..
palakad-lakad pero hindi umuusad..
Ewan ko ba kung sino ang tinitignan mo..
Basta alam ko lagi kang dumadayo...

Mabait..tahimik..maamo
iyan ang katangiang nakita ko sa'yo..
Naksama sa ilang paligsahan..
paligsahan na ang talino ang labanan..
Tangan ang tingin mong di ko malaman..
di ko malaman kung sa akin o sa kanya nakalaan..

Sabi mo pa idolo mo ako..
sabi ko rin, "pareho tayo"..
Ikaw na parang anghel ang pagkatao..
pagkataong naging dahilan para maging malapit ako sayo..
Pero isang araw naging kayo ng kaibigan ko..
na hindi ko alam ay may tinatago ka pa lang pagsuyo..

Pagsuyo para sa akin..
at ako, na hindi iyon pinapansin..
Pinapansin ko lang ay ang pagkakaibigan natin...
pagkakaibigang di dapat limutin.

Hindi ko nga kinalimutan...kaya muli kitang binalikan..
NAKAKAGULAT!..
iba ka na..
ibang-iba sa dati kong nakilala..
kilala pa nga ba kita?..parang hindi na..
NAKAPAGTATAKA!..
ang dating anghel naging masama..
ang dating matalino naging walang kuwenta..
ang dating maamo naging buwaya..
ang dating tahimik naging palamura...
ikaw pa ba yan?..
nagulat talaga ako sa aking nasilayan..
Ang laki mo na! iyan lang ang salitang lumabas sa aking isipan.

Ilang taon na rin naman kasi iyon...
iyon na malayung-malayo na sa ngayon...
ngayon, na walang bakas ng noon...
noon na sobra ka pang mahinahon..

Ang laki mo na talaga! yun lang talaga ang salitang lumalabas sa bibig ko..
pero sa totoo, gusto kong isigaw..ANG LAKI NA NG PINAGBAGO MO!!!.
mula ulo... hanggang paa...
mula salita... hanggang sa gawa..

Hindi ka na maamo at naging basagulero.
hindi ka na magalang at naging magulang.
NAKAPAGTATAKA talaga kung bakit ganyan ka na..
Lahat ng magagandang katangian mo dati, nawalang parang bula..

Pero...
may isang hindi nag-iba..
ang pagtingin mo sa akin nandiyan pa..
Bakit iyon napreserba?..
pero yung dating ikaw..naglaho na?..

Nasaan na ang taong kareviewhan ko kapag may paligsahan?..
at kapag natalo kabatuhan ko ng sisihan..
Nasaan na ang taong walang alam na kalokohan?..
at ang alam lang ay aral at halakhakan..

NAKAKAGULAT... NAKAKAPANIBAGO.. NAKAPAGTATAKA talaga..
Pagkalipas ng ilang linggo nating muling pagkikita..
na kahit ganito na rin ako at ganyan ka na..
Natutunan nating mahalin ang isa't isa..

sa totoo lang hindi talaga ako nagulat sa kinaiba ng pagkatao mo..
ang dahilan ng lahat ng pagkagulat, pagkapanibago, at pagtataka ko..


AY ANG SARILI KO..
AKO..
dahil hindi ko inakala na mamahalin ko ang tulad mo.

Tuesday, January 20, 2009


inSensitiBo (//_T)

Insensitibo, OO ako ay insensitibo,
Manhid, walang pakialam, malabo.
Tinuring kitang hangin…
Di pinapansin…
Tama ka isa kang hangin!
Hanging napakahalaga kung tutuusin.
Marami akong naaalala,
Mga alaala simula nang tayo’y nagkakilala.
Parada, Teatro, Sigarilyo,
Para tayong mga batang nais maglaro!
Na ang palaruan natin ay mundo.
At ang laruan natin ay puso.
Namimiss ko na ang dati, LRt, LoversLane, dahon, Soundtrip,
At ang mga walang katapusang usapan para di mainip.
Pati narin ang istoryang nakaimbak sa dibdib,
At ang mga tawanang humahagikhik.
Sabi ko, kaibigan lang ang turing sa’yo,
OO!!
napakalaki kong insensitibo!
‘pagkat di ko mabatid ang nais mo
At naguguluhan sa pagkataong natatakpan ng buhok mo!
Insensitibo. Napakalaki kong bobo!
Itinanggi ang nararamdaman para sayo,
at hinayaan kang magpakalayo.
Tsk.Tsk.
Hindi na ‘ata mauulit ang ala-ala sa Mcdo,
At soundtrip habang tig-isa tayo sa ear phone mo.
Wala na talaga oh..
Kinarma na yata ako.
Ngayon bumaliktad na.
Ikaw naman ang di nakakadama..
Naku naman! Bakit ngayon pa?!
Kung kailan nahawi na ang buhok sa iyong mga mata.
Dahil ngayon nakita ko na..
Sa likod ng jacket mong guhit-guhit..(kapartner ng jacket kong kulay pink)
Sa pilak na posas mong nakasabit…(Na sa daliri ko pilit mong kinakabit)
Sa itsura mong napaka weird..
Ay may busilak pa lang pusong nakasilip.
Insensitibo.
Kumbaga sa laro ako ang talo.
Tila pinagkampihan ng buong mundo,
‘pagkat pinaglaruan ko ang sarili kong puso.
Hawak ko ay marimba, at ikaw naman ay gitara,
Na nagkabuhul-buhol ang kamay sa pagtipa.
Kaya ‘di na tayo makakalikha ng musika.
Insensitibo. Insensitiba. Wlang pinagkaiba.
Aminado akong dati’y tinuring kitang hangin;
Kaya ba ngayon, ‘yan din ang turing mo sa kin?
Sa panahong ito, siya na ang iyong kapiling,
(Kahit masakiT) yayakapin ko nalang munaang pitaka nating hugis saging.

caTALepxiA..(cataLepsy)

Minsan gusto kong magkaroon nito,
Yung sa ilang minuto hihinto ang tibok ng puso.
Parang patay..
Walang pakiramdam..
at buong katawan ay hindi maigagalaw.
isang sakit na makasasagot sa aking dinaranas.
Sa tuwing masasaktan pag ako’y minamalas.
Ang hirap kasing pigilan ang kirot sa dibdib.
Mula sa kalingkingan, buong pagkatao sumasakit.
Gusto ko ng maging manhid, kung bibigyan ng pagkakataon.
Sa kahilingan, ang sakit na ito ang tugon.
Sa ilang minuto, ako’y magiging tuod.
Na animo’y patay at kulang nalang ay puntod.
ATlis sa ganoong kalagayan hindi na makakaramdam ng lungkot,
Sa tuwing magkasama kayo, puso ko’y kumikirot.
Ayoko nang gumalaw, pero ayaw ko rin namang umayaw
Ayoko ng magpatama, pero ayaw ko rin namang tumanga.
Sana magkasakit na ko para di na ko makadama,
nasasaktan na ko….. SOBRA..

Nag-isip ako at nagmuni-muni.
Nanalangin na sana iyon ay mangyari.
Pag-ibig, pagmamahal, ayoko ng manghingi
Habang minamahal kita,
Ako nama’y isinasantabi
.

Kapag nagkasakit ako nito, mawawalan na ako ng malay,
Ganoon din naman parang unti-unti mo akong pinapatay.
Isang buhay, na nabubuhay na parang patay,
Patay pero buhay na buhay.
hayyyyy.. kung sabagay sabay mo kasi akong binubuhay at pinapatay.

Natulog akong may kimim na hiling,
Na ang Maykapal sana ako’y dinggin.
Ngunit biglang may nagslaita sa gitana ng pagkakahimbing,
At nagwika sa akin ng mga dapat kong gawin.

Anak’, tawag niya sa akin. “lumapit ka dito at ako’y may sasabihin.
Tanto ko lahat ng iyong saloobin,
Napakinggan ko rin maging ang iyong mga hinaing.
Narito ako upang ikaw’y pakalmahin,
sa mga pighating lagi mong dinadaing.”
Napatingin ako sa kanya at sumagot ng mahinhin,
“Ibibigay mo na po ba ang aking hiling?”
Tumugon siya,
Anak, hindi mo kailangan ng KATALEPSYA.
Upang lahat ng kirot ay nais mong mawala,
Ang pinaka kailangan mo ay PANG- UNAWA.
MAsakit sakin na makita kang lumuluha,
KAya sana, lahat ng agam-agam iyo ng mapalaya.
ANg tao nilalang ko para di magdusa,
Kayo ang dapat gumawa upang buhay niyo’y lumigaya.
Huwag kang magpakahina pagkat alam kong malakas ka,
Unawain mo nalang na nakalaan siya sa iba.
Kung ayaw mong masaktan,
Huwag mong saktan ang sarili mo.
at hindi ang pagkamanhid ang sagot dito.
PAGTANGGAP at PANG-UNAWA sagot sa siphayo,
Kung hindi para sa iyo, Anak, tanggapin mo.
Ang dinadalangin mong KAtalepsya ay panandaliang sagot lamang,
Sa mga kirot na ayaw mong maramdaman.
Samantalang ang Pang-unawa
sagot panghabang-buhay,
Huwag mong hilinging mamatay,
pagkat napakasarap mabuhay.
Tanggapin mo nalang lahat ng pangyayari,
Unawain mo kung bakit ito nangyayari.
Umiyak ka pag nasaktan, pero wag iwala ang sarili,
Sa lahat ng pita, ikaw pa rin ang may susi.”

Nagpasalamat ako at hinagkan siya,
“TAma ka po, pang-unawa at hindi katalepsya.”
Tatanggapin ko nalang kung sila na ang magkasama,
Kung sabagay mahal naman daw niya ako,
ayaw nya lang makasakit ng iba.”

Mabuti Anak, at natanto mo na, alam mo bang may nagmamahal sayo ng higit pa?”
Napangiti ako, “Talaga po sino siya?”
Hindi lang isa anak, dalawa pa.”
at sa huling tugon an iyon bigla nalang siyang nawala.

Nagising kao na parang nasa ulap,
Inalis sa isip ang KATALEPSYANG pinapangarap.
Ngunit ang sagot, pilit kong hinahanap,
NAng sa likod ko ay may biglang yumakap.

“MAMI! MAHAL KITA!” sigaw ni Ciara!
Tama siya nga! Siya yung isa sa dalawa.
Ngunit sino pa kaya yung natitira?
Ah! ALam ko na..



si GOD yon di ba?..

Monday, January 19, 2009

dAdi iF yOu hEaR mE..

I'll never forget How I felt everyday..
Whenever you were there to help me find the way.
I'll never forget all the fun we had together..
Those moments we shared..I'll remember forever.
I'll never forget all the advice you gave me..
Without your guidance I just don't know where I'd be.
I'll never forget Any of this..

Because...

it never happened Dadi,

see what you missed?

-ciara ='(

T.I.B.O.K

TIBOK..
minsan naramdaman ko yan..

TIBOK..
TIBOK..
TIBOK..

naramdaman ko ng hindi namamalayan..
ngunit dahil doon..naging bukas ang aking isipan..

hindi lang pala lalaki ang makapagpapasaya sa isang babae..
na kaya rin palang gawin ng babae ang ginagawa ng lalaki..

ayokong magpaka ipokrita..
alam kong marami akong kasama sa ganitong nadarama..

hindi ko pinagsisihan ng ako'y minsang
TUMIBOK..

hindi ko pinagsisihan..
pero dapat mamulat ako sa katotohanan..
na kahit ganoon ang nararamdaman..
ginawa ako..tayo.. ng Diyos na si Eba't Adan..
at wala ng iba pang kasarian..

pero hindi ko pinagsisihan..
noong minsang puso'y tumibok..
sa kanya..

at ang kanya, sa akin..

hindi ko ikinahihiya..
sapagkat yun naman talaga..
yun nga lang..di dapat..
ang pagTIBOK ng minsan ay tama na't sapat..
para sa aking naghanap ng kalinga't pagmamahal..

ngunit hindi dapat..
kaya't...
pinigilan ko ang pagTIBOK..

ang puso kong TUMITIBO.K

deXtrose...

tahimik lang siya..
hindi maingay..
hindi umaaray..
nang wala kang kamalay-malay..

isang araw..

siya'y mahihimlay..

paano na ang pinagsamahan?
biglang mawawala ng hindi mo alam?..
hindi mo nalaman na siya pala'y may karamdaman..
pero wala kang pakialam..

ang nakikita mo lang ay kung ano ang nakikita ng iyong mata..
minsan siya'y tahimik..minsa'y masaya..
pero sa loob niya ay mayroon pa lang dinadala..

ang nakikita mu lang ay kung anong nababasa mo sa cell phone mo..
kung ano ang gini-GM ng mga kaibigan mo..
nakalagay doon..
kung sino ang dapat na ipagdasal mo..
kung sino ang dapat pakitaan ng kabaitan mo..
kung sino ang dapat alalahanin mo..

pero huwad ka sa katotohanan..

na may isa kang nananahimik na kaibigan..
at may karamdaman..

subukan mong makiramdam..
subukan mong alamin at makialam..
subukan mong huwag tignan ang pisikal niyang katauhan..
subukan mong arukin ang kanyang kaloob-looban..

doon..

doon mo makikita ang tunay niyang pinapasan..
mas malala pa sa kung anong alam mong sakit ng iba mo pang kaibigan..

subukan mo lang naman..
dahil baka isang araw..



hindi mo na siya maabutan....

Lubos na uMaasa..

hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo..
ang mga bagay na alam kong dapat ay alam mo.

sumisigaw...

iyan ang lagi kong naririnig.

galit...

iyan ang lagi kong nakikita..

paano kita lalapitan kung ganyan lagi ang iyong ginagawa??..

sana..

sana dumating ang araw na magiging mabait ka na..

ang ibig kong sabihin, ay maging katulad ka ng ibang ina..

malambing..

mahinahon..

mapagmahal..

mga bagay, na simula't pagkabata ay hindi ko masyadong natikman.

maraming bagay na akong tiniis,
marami na ring bagay na ginawa para sayo'y makaalis..
pero...

wala..

nandito pa rin ako sa hinagpis..

SANA TALAGA...

kung napapalitan lang ang ina..
matagal ko ng ginawa..
pero wala na kong magagawa,
kung hindi tanggapin ka..

tanggapin natin ang isa't isa...
kung ano ako at kung ano ka..

alam ko balang araw...
magbabago ka..
sa mga kinagawian mong nagiging dahilan ng aming pagluha..
pagkatakot..
pagkahiya..
pagkalungkot..

saa, ituring mo na ang sarili mo bilang isang ina..
hindi lang sa paglalaba..
kundi sa totoong gampanin mo na kung ano ka..

ang mahalin ang mga anak niya..

yakapin..
halikan..
kausapin..
makipagtawan..
maging kaibigan..

SANA TALAGA..

sana nga NGAYON na..






Saturday, January 17, 2009

faLLen aNgeL

YES..

I have fallen from sky,

Fallen to the ground...

I am the angel of sadness,
Angel of lost hopes,
Angel of lost dreams...

I am the fallen angel (T_T)

Fear me not,
I am here for reason,
That reason is to have a second chance in life,
That life I was given for a reason,
They took my wings,
They took me apart made me human...

I was the fallen angel...

But that fallen angel had one chance in life that she was given,
This angel won’t make the same mistakes she made before,
This angel will go down the right path that has been chosen for her,
This fallen angel know what she has to do to be forgiven.
People only see what I let them see.

(//_T) sUmpuNgan

umalis ako ng piyo mag-isa..
naglakad..kung saan mapadpad ng mga paa.
kailangan kong hanapin ang sarili ko,
at alamin kung ano ba talaga ang probLema.

naglakad ako patungong Lerma,
sumakay ng jeep,nagbayad sa Mama.
pumara ako sa City hall ng Manila...

..at sumakay uli, nagbayad uli sa Mama.

hindi ko alam kung saan ako bababa,
Para Mama!, dito nalang po ako sa tabi.
tinignan ko ang street, Mabini.
tamang-tama, dito muna ako mananatili..

naglakad, hanggang mapunta ako sa baywalk,
malayo pa lang naaamoy ko na ang laot.
tumawid, pero tulala pa rin.
hindi alam ang gagawin, huwag lang sana akong banggain.

umupo ako sa may bato, sa katulad ko na konkreto.
dalawang taon na rin pala ang nakaklilipas noong huling punta ko dito.
ganoon din, malungkot din ako.
bitbit ang pagkatao kong magulo.

tinignan ko ang langit,

madilim...

tinignan ko ang tubig,

maitim...

at napatingin ako sa sarili ko, ganoon din.
madilim at maitim...

kinausap ko ang Diyos, alam kong katabi ko siya.
buti nalang walang nakapansin na para akong tanga,
sinabi ko sa kanya ang lahat...
ang lahat-lahat ng bumabagabag.

sa panahong iyon, payapa ako.
payapa sa totoong kinakaharap ko,
nakaharap ako sa dagat, mapayapa at malapad,

ngunit...


pagtingin ko sa likod, nakita ko na naman ang realidad.

mga sasakyang maiingay...
mga taong nagsisigawan...
mga batang walang patutunguhan...

parang ako...

..maingay ang kalooban.
sumisigaw sa dinaramdam.
at dahil doon wala akong mapatunguhan...

ilang saglit..

nag-isip isip ako...
sinabi ko sa sarili ko.

tama na nga!, para na akong gago.
sana pag-uwi ko, ok na ako.
salamat sa inupuan kong bato at kilala pa niya ako.
nanggaling na rin ako dati sa lugar na ito.
at may nakilalang dalawang ermitanyo.
pero ngayon..

wala...

kundi sarili ko lang ang aking kasama...

ngayon, mag-isa kong haharapin ang lahat,
at pag-uwi ko aayusin ko ang lahat ng may lamat.

lamat sa pagkatao...
lamat sa puso...
lamat sa kalusugan...
lamat sa kaibigan...
lamat sa pag-aaral...
lamat sa pagdarasal...

umuwi akong may baong misyon.
ang ayusin ang lahat ng may lamat.

salamat at nasumpungan ko ang sarili ko sa kabila ng lahat,
salamat dagat.

salamat...

Thursday, January 15, 2009

MY priNceSs CIARA


You are a princess in my heart, and I care for you so much.

I love the fondness in your eyes and your tender little touch.

I looked at you when you were born, and knew then straight away,

that I would be forever here to watch you grow and play.

You bring to me a heart of joy, and memories so great,

and a powerful sense of motherhood that no one can debate.

I watch you sleep and dream of things that I can only wonder.

That innocent look upon your face just makes my heart grow fonder.

I see you run and jump and shout and calling out my name.

No love that I have ever known could ever feel the same.


And so my little princess before you go to sleep,

Remember I am your mommy and I am yours to keep. =)

IMANG - (Kampanerang kuba)

Marami raw naaakit sa taglay kong kakaiba,
Na sa akin lang matatagpuan at wala sa iba.
Ang pustura ko na mapag-iisip ang mga lalaki,
At Ang tingin ko na biglang may mabibighani.

Kapag tinignan ako sa harap, walang maikukutya,
Pero tignan mo sa likod, ako’y isang kuba.
Isang dalagang umbok ang likuran,
Dahil sa batang pilit na pinapasan.

Minsan pakiramdam ko ako si IMANG,
Na maraming tao ang nagagandahan.
Huwag lang mamamatay ang kandilang sinindihan,
Kundi makikita ang sumpang kinalakihan.

Maraming nagkakagusto sa ganito kong itsura,
Pero kapag nalamang may pasan na ako isa-isang kumakawala.
Hindi matanggap na isa pala akong kuba,
At sa paningin nila ako’y nagiging ulikba.

Ano ba namang masama sa pagiging kuba?
Atlis alam ko sa sarili ko na mayroon pa akong magagawa.
Na kahit mag-isa lang ako, kaya kong pumasan ng bata,
Kahit kapalit nito ay kaligayahan ng pagiging dalaga.

Hindi ako naghahangad ng gwapong magmamahal,
Ang tanggapin ako ay sapat na sa kabila ng lahat.
layuan niyo man ako dahil sa nalamang kapansanan,
Ayos lang, kaysa naman ang anak ko ang aking talikuran.

Kaya ikaw! Si IMANG ako, kaya huwag mo ng balakin,
Kung wala kang paninindigan, lumayo ka na ngayon din!.
Hindi mo ako magugustuhan,nililinlang ka lang ng iyong paningin,
Isa akong KUBA na marami nang tungkulin.

Alam ko darating ang araw na may tatanggap sa aking pagkatao,
Na ang pagmamahal ang basehan at hindi ang mga usisero.
Oo araw-araw akong may pasan sa likuran ko,
Ngayon,may magbabalak pa kayang tulungan ako?

Pasensiya na kung nalinlang kayo ng mata nyo,
Pero tandaan nyo wala namang taong perpekto.

ako + ganito = konkreto

Minsan, natanong mo na ba ang mundo?
Kung bakit ganyan ka, at hindi ang gusto mo?.
Magpapasalamat ka ba sa lahat ng dinaranas?
Kung ganito ang buhay mo, at malayo sa inaasam.

May mabait kang tatay pero nasa malayo,
May nanay kang nasa tabi mo pero hindi mo kasundo?.
Binigyan ka ng anak pero walang asawa,
May masagana kang buhay pero walang kuwenta.

Pumapasok ka araw-araw sa mamahaling eskuwelahan,
Uuwi ng bahay pero wala namang natutunan.
Bibigyan ka ng baon para hindi kumalam ang tiyan,
Pero hindi makakain dahil may dinaramdam.

Matalino ka nga pero hindi mo magamit,
Dahil natatabunan ng hiya at puro hinanakit.
Dagdagan pa ng nanay mong masungit at laging galit,
Na halos isumpa mo na sa sobrang inis.

Binigyan ka nga ng kagandahan pero walang silbi,
May mukha ka nga lagi ka naman humihikbi.
Para saan pa’t naging maganda ka,
Kung lagi rin namang sinisira ng sandamakmak na problema.

Malusog ka nga sa panlabas, pero sa loob-loob para ka namang may taning.
Paano uni-unti kang pinapatay ng mga papansing suliranin.
Hindi mo na malaman kung anong gagawin,
At maiisip mo na lang isang araw na buhay mo’y kitilin.

Paggising mo tuwing umaga, lagi mo na lang maitatanong,
Bakit ba ganito at hindi ganoon.
Halos isumpa mo na ang lahat ng pangyayari,
Sa mga obligasyon at tungkuling hindi mo mawari.

Wala kang ibang matakbuhan kung hindi ang sarili mo.
ang sarili mo, na hindi mo rin maintindihan kung bakit ka ganito.
Paano kung dumating ang araw na pasalitain ka ng mundo?
Isisigaw at isisisi mo ba sa kanya ang lahat ng ito?..

Wednesday, January 14, 2009




I tried to listen to reasons, It did not give me answers, only a reality. That we’re friends and he want someone else. But I can’t pretend anymore, Coz inside it is really hurting. Still I’m wishing him well, Yet I’d rather say goodbye. .

bEst before.......

Maraming hindi nakakaalam kung ano ako dati. Ibang iba sa kung ano ako ngayon. Sobrang kakaiba. Tingin ko kasi sa sarili ko ngayon, parang wala lang. Ordinaryong tao. Nag-iisip lang kung kailan kailangang- mag-isip. Hindi aktibo. Sunud-sunuran sa iba. Bobo. Hayyy.. bakit kaya?.. hindi ko inaapi sarili ko.. nagtataka lang ako kung bakit hindi ko na magawa yung mga bagay na nagagawa ko dati. Kung kakayahan at accomplishment lang naman ang pag-uusapan, siguro naman hindi ako kulelat doon, , iyon lang talaga pinagtataka ko.

BAKIT HINDI KO NA MAGAWA NGAYON?.. ?... na-expired na ba lahat ng kakayahan ko?. Kasama pati tiwala ko sa sarili?.. ang hirap ipaliwanag.. nanghihinayang ako. Lalo na kapag naaalala ko ang dati.
Noong Elementary.. lagi akong may honor.. (ngayon, magkaka uno lang ako kapag katulad ni Sir abz ang prof.) Noong haiskul, ito mabulaklak ang karir ko. 1st year to 3rd year, top 1 ako.. ngayong college wala na, alitaptap nalang. Para na lang akong alitaptap na aali-aligid sa ibang tao. Naaalala ko dati, para akong santo noong haiskul.. ginagalang, iniidolo. Buong campus yata nakakakilala sa akin..ngayon, tambay nalang ako ng hall way. Para kong gago. Nag-aabang ng may makakakilala sa akin. Ang weird. Bakit kaya ganoon?.. hay.. ito talaga ang pinakamasaklap, tingin ng ibang tao sa akin, BOBO. Haha. Walang alam. Walang silbi.

Minsan naiisip ko rin, bakit nga ba hindi ako sumali sa mga extra curricular activities na lagi ko naming ginagawa noong haiskul?. Tingin ng ibang tao sa akin, taong walang nakamit sa buhay.. hehe. Doon naman sila mali. May mga nagawa naman ako kahit papaano. Nagulat nga ako eh pag naiisip ko ang mga iyon ngayon, grabe, ang galing ko pala. (slight) noong haiskul, marami akong naipanalong article sa mga PRESS CONFERENCE. Nagsimula ako sa district hanggang paggising ko isang umaga nagsusulat na ako sa Regional Secondary School Press Conference. Hayop. Nagawa ko pala yon, samantalang ngayon, ni isang saknong wala akong maisulat. Kung mayroon man, non sense pa. Adik. Bakit kaya ganoon. Marami na rin akong naatendnan na SEMINARS, iba’t ibang lugar pa. History Maker pa ko ni Sonny Belmonte Center for Excellence, isang taon ko rin yong pinagpaguran, pero ngayon, makaupo lang ako ng kalahating oras sa UCC inaantok na ako. Wala man lang akong naiintindihan sa mga pinagsasabi ng mga speaker. Dyahe.
Bakit kaya ganon?.. hay.. dati nakasali na rin ako sa National quiz Bee, yung, Digital LG Quiz, akalain mo yun. Pero ngayon, 50 item test , kalahati lang nakukuha ko. Sabog na utak ko, nosebleed pa. Haha. Latak na lang yata mga nasa utak ko. Tapos tinuringan pa kong Editor in chief sa School news paper namin, pero ngayon, wala na kong maisip na magandang maisulat. Kung mayroon man, wala akong gana. Buhul-buhol pa ang grammar. Bakit kaya ganon?.. tsk.tsk. feeling ko tuloy canned goods ako na na-expire na.

Dati rin, nakakaya ko pang makipag-usap sa mga Principal ng iba’t ibang school sa Q.C, sa mga councilors, kay Sonny Belmonte, kay PNP Chief Ebdane, pero ngayong college, isang word pa lang nahihirapan ng bumuka ang bibig ko kapag may kaharap na prof. Ang adik ko. Para akong tanga. Hayyyyyzzzz… Bakit kaya?.. simula ng maitanong ko sa sarili ko ang mga bagay na ‘to, isa lang ang naisip kong dahilan.. dahil siguro kay ciara. SIGURO lang naman. Pero parang hindi rin.. baka ako talaga ang may problema?.. o baka naman wala naman talagang problema at ginagawan ko lang.. hahaha.. siguro nga.

Simula ng pumasok ako dito sa FEU, napraning na ang utak ko. Puro insecurities (siguro nga isa ‘yon sa mga dahilan), na sa sobrang kainsekyorahan ko, wala na kong nagagawa. Ewan. Ang gulo. Pero minsan, sinisisi ko rin yung mga nasa paligid ko, mga nagyayabang-yabangan ba, kala mo kung sinong magaling. At iyon siguro uli ang problema, nagpapaapekto ako. Wah!!!! Ano ba. Ang gulo. Bakit nga ba ganito na ko ngayon?..

Expired na yata talaga ko. Hindi ko man lang nabasa kung klan yung expiration date ng maganda kong karir dati. ‘yan tuloy, mukha kong ewan ngayon. Hindi ko kasi napahalagahan. Last year ko na ‘to sa college, wala man lang akong napatunayang kakayahan. Haiz…. Siguro babawi na lang ako kapag nakagraduate na ko. Baka sa panahong yon, may bago na uli akong mabulaklak na karir. At ang pinaka-una kong gagawin titignan ko yung tatak na “Best before end” mahirap na, baka masayang uli. =)

Monday, January 12, 2009

baTo.baTo.sa.LangiT.

mahirap ba kuNin ng lOob ko?..
senSya naMan hinDi ko Kasi to biNibiGay kuNg ayaw kunin..
anO?..hinDi mo ko kiLala..
puWes..etO basaHin mO.
bakA saKaling maliWaNagan 'YanG uTak mo.

+++++++++++++++++++++++++++++
Mataray ako pero hindi ako suplada.
+++++++++++++++++++++++++++++
Maarte ako pero hindi ako malandi.
+++++++++++++++++++++++++++++
Matapang ako pero iyakin din.
+++++++++++++++++++++++++++++
Madaldal ako pero hindi ako maingay.
+++++++++++++++++++++++++++++
Makulit ako pero hindi ako pang-asar.
+++++++++++++++++++++++++++++
Matapang ako pero hindi ako basagulera
+++++++++++++++++++++++++++++

anO? pweDe na ba YaN?..
hinDi ako gaLit saYo.
meDyo laNg.
iBa kaSi aKo maAsar. ParaNg ganiTo.
syEmpRe kuNg nasaKtan ka, nasasaKtan din naman ako no..
(lalo na pag di ko alam na may kasalanan pala ko)
huWag ka naMan magSalita sa likuRan ko.
o magaLit kaPag waLa ako.
naSasakTan din ako.Mahina rin akO sa ganiTo..
hiNdi naMan ako bato..kOnkRetO laNg..

BeYbiTok

Mahirap daw kausapin ang mga bata, mahirap intindihin.. bulol…may sariling words.. may sariling pronunciation…

Pero sa totoo lang masarap sila kausap… marami kang matututunan, kung isa ka sa mga tinutukoy ko na badtrip sa mga batang magulo kausap.. eto, bibigyan kita ng tips.

Siguro kulang ka lang sa strategy o di naman kaya PASENSIYA. =)

TIP no. 1 HUWAG KAUSAPIN ANG MGA BATA NG PABULOL (kahit bulol sila)
Dahil pag ginawa mo yon dalawa lang puwedeng mangyari..
Its either, lalaki siyang bulol.. o mahahawa ka sa kabululan niya.

PATOTOO:

Eksena: gumagawa ako ng project, nakikigawa rin si Ciara.

Ciara: Mami nasaan na yung korol ko?
Ako: Aba! Malay ko ba sa korol mo. Doon ka nga muna beh, may ginagawa si mami.
(umalis si Ciara)
Ako: Teka beh, nakita mo yng lurel ko?

Hahaha.. kitams. Sabi na sa inyo eh, nakakahawa. Kaya dapat kapag nagsalita siya ng pabulol, ikorek kaagad para kapag nagsalita ka rin ngbulol ikokorek ka rin nila. =)

TIP no. 2KAUSAPIN SILA NG MAHINAHON

PATOTOO:

Eksena: nanonood kami ng Channel 2..

Sumigaw si Ciara:

Ciara: MAMI!!!!!!!!! Ilipat mo sa krantuns!!!!!!!!!
Ako: (mahinahon) Teka beh, nanonood pa ko ng balita oh..
Ciara: lipat mo na sabi eh!!!!!!!!!!!!!!...

Eh naasar ako. Sumigaw din ako.

Ako: TEKA NGA SABI DI BA?!!!!!!! BUMILI KA NG TV MO KUNG GUSTO MO!!!!!
Ciara: mami, dahan-dahan lang usap mo..galit ka?...
Ako: (sumisigaw pa rin) EH SUMISIGAW KA KASI EH!!!!
Ciara: PLAK!

Ayun, sinampal ako..

O di ba, dapat hinay hinay lang ang pakikipag-usap kahit super sigaw na sila sayo. Ayun eh kung ayaw mo masampal..


TIP no. 3 KAPAG NAGTANONG SILA SA INYO, HUWAG KANG MAGBIBIGAY NG SAGOT NA MAY POSIBILIDAD PANG TANUNGAN NG BAKIT.
Dahil kapag ganoon, naku! Ikaw rin ang mahihirapan. Ang mangyayari eh walang katapusang usapan. Lalo ka lang maaasar.

PATOTOO:

Eksena: nanonood kami ni Ciara ng teleserye. Nagtanong siya.

Ciara: Mami ba’t siya naiiyak?
Ako: Eh kasi nag-away sila ng mommy niya.
Ciara: Bakit sila aaway?
Ako: Kasi ayaw ng mommy niya na bad sya..
Ciara: bakit siya Bad?
Ako: Kasi hindi siya umuwi ng maaga..
Ciara: Bakit hindi siya umuwi ng maaga?..

…ayun at nagtuluy-tuloy na ang tanungan. Haha. Medyo kabadtrip yung ganoon. Lalo na kapag katulad ni Ciara ang kausap mo. Pero wais din ako.haha. kapag ganoon, nililihis ko na ang usapan.

Pagpapatuloy..

Mami: kasi nga, hindi mo ba napanood, nagkita sila ng boyfriend nya?..
Ciara: Bakit sila nagkita mami? Ha?..
Mami: (medyo asar na ko kakasagot) Tara, Ciara labas tayo.

Ayun, nagkandarapa ang bata magsuot ng tsinelas. Haha.
Eh di tapos ang usapan.


Tip. No. 4KAUSAPIN SILA NG MALINAW AT HUWAG PILOSOPOHIN.
Dahil ang puwedeng kalabasan nun, pipilosopohin ka rin nila. Mas maasar ka.

PATOTOO:

Eksena: Si Ciara bumibili sa tindahan, may 5 piso.
Ciara: Tao po, pabili po (inabot ang pera sa tindera)
Tindera: Ano ‘to?
Ciara: Money yan, money po..


Hahahaha.. =) o di ba?..
(Ang ibig sabihin ng tindera sa Ano ito?..eh kung anong bibilhin nya dun. Hindi naman kasi nilinaw ni ateng tindera, napraning tuloy)

TIP no. 5KAPAG KAUSAP SILA, SIGURADUHIN MONG HINDI KA MAGMUMURA.
Ang mga bata kasi huwad pa ang utak sa mga kasamaan,lalo na sa pagmumura. Kapag narinig nila na nagmura ka, at nagandahan sila sa tunog nito, sa malamang maaadopt nila ‘yon.

Paalala: Ng salitang binato mo, maaaring bumalik sayo.

PATOTOO:

Eksena: Si mama, pinapagalitan si Ciara galit nag galit.
Mama: Ikaw talagang bata ka! Wala kang kasing kulit! Letse ka!

Si Ciara tahimik ang nakatingin kay Mama.

Mama: Tapos lagi ka pang umiihi sa kutson, gaga ka talaga! Sa labas kita patulugin eh!.

ISANG ARAW:
Nabitawan ni Mama ang laruan ni Ciara. Nasira. Nagalit si Ciara. Sumigaw.

Ciara: Mama letse ta! Bakit mo sisira toys ko?!!? Ayan na wala na kong toys!! Di na ta bati letse!

(ayon, napalo siya)

O di ba?.. Kaya, be careful with your words..

TIP no. 6KAPAG HINDI MO NAMAN MAINTINDIHAN ANG SINASABI NILA, ALAMIN MO KUNG SAAN NILA NAKUHA ‘YON.
Kung baga sa dictionary, eh alamin mo yung origin ng salita para mas maliwanagan ka.

PATOTOO:

Eksena: Si Ciara niyaya ako kumanta. Eh hindi ko naman alam kung ano mga pinagsasabi niya.

CIARA: (kumakanta) SHA TIT..! PA PE PIT! SHA TIT..! PA PE PIT!
AKO: Huh?..ano yun?..
CIARA: Mami, sing ikaw.. SHA TIT..! PA PE PIT!

Si ako naman, huh?..anong kanta ‘yon?..tinanong ko, curious akong nanay eh..

AKO: Ciara, ano yang kinakanta mo?..Saan mo naman napulot yan?..
CIARA: Am, doon, sa Diego mami. Kakanta nila Diego.
AKO: ahhh…

Eh ako, siyempre gusto ko makarelate kay Ciara, pinanood ko yung Diego.. haha. Takte ang tagal. Kalahating oras na yata akong nanonood. Pinagloloko lang yata ako ni Ciara sa isip-isip ko. Maya-maya may lumabas na Camera! Kumanta! Gotcha!!!.. kinanta nga dun..haha. At eto ang totoong phrase ng kinakanta ni Ciara.

CAMERA: (kumakanta) “SAY CLICK..! TAKE A PIC!”

Haha. Oha.oha ang galing ko!. Kaya nung pinilit niya kong kumanta uli at pag-usapan yon, nakarelate na ko. Yun nga lang dapat mahaba pasensya mo sa paghahanap kung saan nila nakuha yung mga words na pinagsasabi nila.

TIP no. 7HUWAG MALISYOSO (GREEN MINDED)
Tandaan nyo na ang mga bata, matino ang utak nyan sa kamunduhan. Walang muwang. Kaya kapag kinakausap natin sila, huwag tayong maging green minded. Dahil kung ganoon, naku..mapapahiya ka lang.

PATOTOO:

Eksena: si Ciara, Rap-Rap (pamangkin kong 5 yrs.old), Loraine (pamangkin kong 1yr.old), naghaharutan sila sa sofa. Tawa ng tawa ang mga bata. Biglang may sumigaw!.
Nagulat ako.

LORAINE: Awak titi!! Awak titi!!

Napatingin ako. Sa isip isip ko anong klaseng bata ‘to, ang bastos.

AKO: hoy! Tigil nyo na yan!
CIARA: Mami wait, pi-play lang kami ni raine.

Biglang may sumigaw uli;
LORAINE: Rap!!Awak titi!! Awak titi!!
AKO: Loraine, ang bastos ng bibig ah.. bad yan.. (napatingin ang tatlo sa akin)

Tinawag ko si ate,para pagsabihan si Loraine.

AKO: Ate! Ano ba tong bibig ng anak mo, ang bastos! Anu-ano tinuturo mo dito. Hawak titi daw oh!!
ATE: Tanga! Anong hawak titi?..sabi niya HUWAG KILITI. Utak neto..libog mo.

Natawa na lang kami ni ate.

Hahahaha.. +taas kamay+ sori naman. Eh ayun pagkakaintindi ko eh. Kaya dapat malinis utak natin, tama mga bata sila. Wala silang alam sa ganoon. Tayo lang meron. Haha. Linisin ang pag-iisip kung ayaw mong mapahiya sa harap ng mga bata. =)

TIP no. 8PAG-ARALAN ANG MGA BAGONG TERM NA ALAM NG MGA BATA, PARA MAS MAINTINDIHAN SILA.
Iba ang panahon natin, sa panahon ng mga bata ngayon. Marami na silang alam na term na hindi itinuro sa atin noong mga bata pa tayo. O di naman kaya, may mga bago na silang alam na term na iba sa alam natin.
Halimbawa: gift,ngayon present na ang tawag nila dito.

Meron pa, ndi lang yan.

PATOTOO:
Eksena: binilihan ko ng magic wand si Ciara. Nag-usap kami at naglaro.

CIARA: mami, ikaw magiging frog! (sabay kumpas sa wand)
AKO: KOKAK!KOKAK!
CIARA: (nagalit) no mami!! Mali!! Hindi danyan!! Say RIBBIT!! RIBBIT!!
AKO: ah..ganoon ba yon?.. e di ribit! Ribit!
CIARA: ikaw magiging dog!
AKO: AW! AW! AW! AW!
CIARA: no mami!! Mali uli!! ARF!! ARF!!
At ito pa ang iba.
BIRD – sabi ko TWIT! TWIT! Sabi naman niya CHIRP! CHIRP!
HORSE _ sabi ko YATIGIDIGTIGIDIG!! Sabi naman niya HIIII YAAHH!!
MONKEY – sabi ko HU!HU!HU! Sabi naman niya HUU HUU HAA HAA!!

Hanggang sa lahat ng sinabi nyang sounds ng mga hayop eh wala akong naitama ni isa. Malay ko ba na ganoon na pala yon ngayon. Haha. Ayon, umiyak siya, hindi yata na-enjoy yung laro. Pahiya ako. Kaya kung ako sa inyo, pag-aralan nyo para hindi kayo magmukhang tanga.

TIP no. 8MAGING HANDA SA MGA TANONG NILA.
Di nga ba, may kasabihan na halos lahat ng bata, eh matanong, lahat itatanong niyan. Curious eh, lahat gustong malaman. Kaya dapat maging handa ka, kung hindi, naku. Olats ka sa paningin nila. Ibig sabihin wala kang kwenta. O kaya, kapag wala kang maisagot sa tanong nila, baka sila humanap ng sagot para doon, at baka magulat ka sa sagot nila.

PATOTOO:

Eksena: Galing ako sa labas, bumili ako ng modess.

CIARA: Mami, ano yan?..
AKO: napkin beh..
CIARA: tingin..
AKO: pinakita ko, (dalawa)
CIARA: bakit dalawa?..
AKO: sympre..basta! (Hindi ko alam sasagot ko, bakit nga ba dalawa binili ko?..haha)
CIARA: ahh.. mami, dalawa p_p_ mo?..

Ngak. Hahaha..ayos ‘tong batang to ah. O di ba kagulat?.. =p

TIP no. 9ILAGAY SA UTAK MO NA ANG MGA BATA AY MAGALING MAGDAHILAN. KAYA DAPAT MGALING KA RIN. =)
Mag-imbento ka ng kwento kung kailangan. Ayun eh kung gusto mo lang naman na magkaintindihan kayo at sundin ka niya sa lahat ng sasabihin mo.

Eksena: si Ciara ngumunguya ng bubble gum. Biglang nilunok. Nahuli siya ng kapatid ng gf ng kuya ko. (ha?..gets mo?)

CHARITY: hala Ciara, huwag mong lunukin yung bubble gum. Maiipon yan sa tiyan mo.
CIARA: eee..wag tatapon sayang eh..mahal bili dito sa mamol gum.
(hanggang makaubos siya ng 5 bubble gum.Nilulunok lahat)

Naknang. Natameme si Charity. Hehe. Hindi yata alam idadahilan kung bakit bawal lunukin. Oo nga naman, kasi may point din si Ciara,sayang nga naman. Gosh. Galing magdahilan ng bata. Kinabukasan, sinumbong sa’kin. Tamang tama ngumunguya uli siya ng bubble gum.

AKO: hoy Ciara, iluwa mo yang bubble gum pag wala ng tamis. Huwag mong lunukin.
CIARA: no, mami, sayang yung ano..yung mamol gum..(nilunok nya yung nginunguya nya. At kunwari dumighay pa siya. Pinapakita na hindi nasayang yung bubble gum dahil nabusog siya)
AKO: anong sayang ka diyan?..kapag ayan, nilunok mo magiging mamol monster (bubble monster) yan sa tiyan mo. Sige ka, gusto mo yon???!!..

Natakot ang bata.

Ayun, kaya simula ngayon, hindi na siya makapagdahilan ng ganon. Galing ko. Haha. Salamat sa MAMOL MONSTER. =)

TIP no. 10KAPAG AYAW NILANG PAG-USAPAN ANG ISANG TOPIC, HUWAG IPILIT.
Giyera ang kalalabasan.

PATOTOO:

Eksena: Nagtetext ako, pumasok si Ciara. Ang dumi ng damit. Umupo siya sa sahig namin.

AKO: Ciara,halika, may tatanong ako sayo.. bakit ang dumi ng damit mo, nadapa ka ba?.. anong nangyari?..ha?..
CIARA: wala mami.
AKO: ano nga?..eh ba’t ang dumi mo?..
CIARA: wala nga iiiiihhh…wag mo na nga ako uusap mami..
AKO: tignan mo para kang pulubi siguro nadapa ka no?...
CIARA: (sumigaw) hindi nga iiihhh!!!!wala!!! wala!!! Wala!!! Waaaalaaaaaa!!!!!!!!!!!!!

Ayun. Nagwala ang bata. Hinablot ang cp ko.. tinapon! Naknang. Ang bait!

CIARA: sabi ng wag na uusap eh.. wag na!! Wag na!! Wag na!!!

Isang oras din atang nagwala yon.Ang hirap patigilin. Sabi ko nga ayaw nya yon pag-usapan, tsk.tsk. kaya kayo, wag na kayo magpumilit kapag ganoon, kung ayaw nyong masira fone nyo..














--more tips next tym.haha.

Sunday, January 11, 2009

KAT KAT kailangan kita!

Marami na tayong pinagdaanang problema.
salamat at sa isang tawag ko lang andiyan ka na.

nagsimula ang lahat Nung nagkaproblema ako sa skul nung haiskul ,ikaw ang nilapitan ko.
Isang tawag ko lang KAT! KAT!
ayun at tinulungan mo ko.

Nung nagkahiwalay kami ni **. na halos ikamatay ko.
Isang tawag ko lang sayo..KAT!KAT!
at tinulungan mo na naman ako.

Nung nag-away kami ni Mama dahil kay Ciara,sayo ako tumakbo!
Kat! Kat! at tinulungan mo uli ako.

Ilang beses na rin akong nabigo sa pag-ibig ikaw lang ang aking naging sandalan,
KAT! KAT!
at lahat ng luha ko,iyong pinahiran..

Ngayon, may bago na naman akong dinadamdam..
Isang sigaw ko lang ng KAT! KAT!..
heto, at mundo ko na naman ay nabuhayan.
napawi na ang lahat ng agam-agam.
ang sarap sa pakiramdam.

Salamat sa gunting at suklay..
at nagkasilbi si KAT KAT.

CUT.CUT.
HAIR CUT.

MAC Kosa

Iyan ang tawag ko sa'yo,
dahil kanta ni Mike Kosa ang trip mo.
Tulad niya ang buhay ginawa mong rap,
at ginawa mong mundo ang hiphop.
Malayo man kami sa kinagisnan mong tropa,
na ang mukha ang ginagawang rampa.
Wala man kaming hilig sa gulo,
Pero kung kailangan mo, nandito lang kami hanggang sa dulo.
Ngayon, may kinakaharap kang karamdaman,
Na damang dama ng buo mong katawan.
Alam namin sanay ka na sa sakitan,
Kaya dapat walang wala na sa iyo yan.

Salamat naman at tinalikuran mo na ang bisyo,
Mga gawaing nilalamon ang iyong pagkatao.
Kapag dinaganan ka niyan at sobra ng bigat,
Nandito lang kami para umawat at bumuhat.

Saksakin ka man niyan ng kutsilyo,
O hatawin ng bat sa ulo.
Bugbugin mo rin hanggang madedo,
at manggigil ka sa paghampas at pagpalo!
Alam namin kaya mo,
Gangsta ka di ba?
Kaya dapat kayanin mo!
Batukan ka man ng malakas, ng karamdaman..
Gumanti ka! Dagok naman iyong panlaban.
At kapag naging giyera na ang maliit na rayot,
Asahan mo mananatili ang TK sa likod.
Ngayon mo ilabas lahat ng angas mo sa katawan!
Diyan ka naman magaling sa away at murahan.
Pero, ngayon hindi na tao ang 'yong kalaban,
Kung hindi ang sakit na nararamdaman.
Sige Mac!
Banatan mo ng buong lakas!
Ibalibag mo ng pababa't pataas!
Paiyakin mo ng napakalakas!
Dahil ang Gangsta ganyan lumaban ng patas.

Aminado kaming hindi kami kasing tapang ng TST o BNG,
Hindi rin kasing sikat ng TBS o OPG.
Pero tulad nila, tutulungan ka namin hanggang sa huli,
Di ba ganyan ang solid na kapatiran at batas ng mga O.G?!..

Basta, kaya mo 'yan Mac Kosa,
Tatagan mo lang ang pananampalataya.
Hindi mo man kaya ang magpakabanal,
Basta manalig ka, tutulungan ka ng Maykapal.

At Sana sa susunod nating pagkikita ay Ok ka na..
sa muli mong pag Bounce Mak Kosa, kasama mo pa rin ang TROPAKADA!.

Saturday, January 10, 2009

for·sak·en?? (//_T)

Hold me close and don’t let go;
I'm so scared to be alone.
I've been by myself for too long,
And always had to be strong.

Now I only want to rest;
And lay my head on your chest.
Hold me close and don’t let go;
These wars I fight no one knows.

Now whisper if you love me,
Say it tender and softly.
I am weary and soon will sleep,
But with you no longer will I weep.

So hold me close and don't let go,
For I never want to be abandoned..




@-hold me close my devil-@

Friday, January 9, 2009

TenkShoo na aLabshoo pa..


kapag nasagot mo 'to ng perfect..ibig sabihin isa ka sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko.
dapat lahat swak sa pagkatao mo.
dapat lahat oo sagot mo.
dapat lahat ng babanggitin ko kilala mo.

GAME!??

1. Kilala mo ba si Kuya dbc?
2. Alm mo ba ang kantang Rudolph?
3. Nag-aaral ka ba sa IE?
4. Favorite mo ba ang Sisig?
5. Alam mo ba ang itsura ng Tonic?
6. Nag - a-I love you ka ba sa kin lagi?
7. Kilala mo ba si kuya Norbie?
8. Teacher mo ba si Sir Elimen?
9. Alam mo bang tugtugin ang Jingle bells?
10. Lagi ka bang nag O.oL?
11. Nayaya mo na ba ako mag Y.M?
12. Kabilang ka ba sa MGAG?
13. Kilala mo ba si kuya Alaine?
14. Member ka ba ng Bamboo Band?
15. Naging crush mo ba ang cute na si Adam?
16. Alam mo ba ang Lira gabang?
17. Lagi ka bang umo-OK sa lahat ng kuwento ko?
18. Naipit ka na ba ng kawayan kakasayaw ng Tinikling?

O?

anong score mo?

haha.

alam ko isang tao lang makakaperfect dito.


.oo ikaw yon! thank you sa lahat ganda.

sAna magustuhan mo to.. =p

SERIOUS MODE..


"Ever mess up and can't fix your mistake
Only have one friend, cause they're too hard to make
Ever feel alone, by yourself in the world
sit in bed at night as your brain starts to twirl
ever been hurt so bad that you can't recover
no one to talk to
not a friend sister or brother
all you got left to do is pray
pray for a better way.
cause when life gives you trouble, what can you do?
pray that god sends an angel to you.
cause if you had an angel to brighten your smile
sit and talk to you once and a while
imagine your problems disappear
if only a friend would appear
so pray, pray for a better way,
it's all you got left to do
pray God sends an angel to you"


andito na ko..Tenent!!
-IM YOUR ANGEL ganda..
wii..lab you.mwah.


isA pa..


HINDI NA SERIOUS..

--->
dati kala ko ang taray mo.
tapos pag mag-smile ka bigay todo!
nakaka-asar kaya tignan no!.
pano insecure ako.
haha.
tapos ang taba-taba mo pa
pero ngayon ang sexy mo na.
haha.
langya ka Ganda.
salamat nabekbek kita.
haha.
yan tuloy lagi na tayo magkasama.
i lab you.mahal na kita!
wahahahahahaha..

Thursday, January 8, 2009

LEVIR SPRAED



Piyo, lugar kung saan tayo nagkatagpo,

nagsimula sa blanko hanggang naging grupo.

Isa, dalawa, sampu, ayun at nagpakarami Tayo,

Iisa ang siphayo, at ang bugso ng puso’y maging guro!


Balikan natin ang nakaraan,

Ang lahat ng pinagdaanan.

Tawanan, tampuhan, iyakan at murahan,

Simbolo ng tunay na samahan.


Madalas man tayong apihin,

Nang iba na akala mo ay mataas pa sa building.

Andito pa rin tayo at taas noong nakatingin,

Nakabantay at nakatanaw kung sakaling may sasaling.


Maraming alaala ang nabuo, sa tambayan nating parang kanto,

Pero hallway lang yun no, na sakop natin hanggang dulo.

Sa samahang ito ako natutong bumasa,

Bumasa ng nararamdaman ng iba.

Dito rin ako natutong sumulat

Kahit na walang gamit na panulat.

Dito ako natutong makinig,

Sa mga pusong umiibig at nangingibig.

At dito ako natutong magsalita,

Nang mga ideya at payo na kala mo’y propeta.


Hindi man tayo mga henyo,

Matalino naman tayo sa PUSO!.

Kahit na laging lapitin ng tukso,

At tinatawag na Tropang Kabayo.


Maraming taon na nga ang lumipas,

Iba’t ibang ugali ang lumabas.

Ngunit tila tangkay pa rin ng ubas (nanatiling tangkas)

kahit na mayroon nang umalis at nabawas.


Isipin nyo kung walang GURO, siguro wala rin tayo,

Pagkat kung ibang kurso ang kinuha ninyo?

Tingin nyo mabubuo tayo?..

Kaya salamat Piyo, sa Eduk mo kami pinagtagpo.


Apat na taon na nga ang naigugol,

Samahan natin dito na ba mapuputol?

Ang iba ay kailangan ng lumisan,

At haharapin na ang hatol ng lahat ng pinagpawisan.


Tk, ito ang tatandaan ninyo,

mapadpad man kayo sa kung saang lupalop ng mundo,

Baunin ninyo itong puso ko, na punung-puno ng pagmamahal nyo.


Malapit na nga ang araw ng pamamaalam,

Sa mga pusong alam kong magdadamdam.

Isipin nyo nalang may dapat tayong patunayan,

Para hindi na tayo ikumpara sa isang palaman.


Konting araw na lang ang natitira,

Sana huwag na nating sayangin di ba?

Mahalin natin ang isa’t isa,

Ipagmalaki natin na tayo’y tatak tropakada!


Picturan…(na kahit tulog ay naka posing)

Tawanan…(at lahat ng tao’y mapapatingin)

Lambingan…(pagkat di uso sa tin ang maasim)

Yakapan…(sa tuwing tayo’y may kinikimkim)

Lagi ko iyang mamimis. pati rin ang burgeran kung san tayo kumakain.


Marami akong natutunan sa inyo…Mga bagay na kayo lang ang nagturo.Tulad nalang ng sagot sa tanong na ito..“NASAAN ANG TK?..” at magrereply kayo..“NASA PUSO!”




Maiiyak talaga ako pag nagkalayo na tayo..

Saluhan nalang ng luha,pag-akyat natin ng entablado.

MC BLURDY

Ang labo mo..

para kang tubig sa lababo.

para kang sulat sa pumutok na lobo.

para kang plakard sa jip ni manong.

para kang picture ko nung JS prom.

Paano ang labo labo mo!

para kang bote ni ciara na wala ng gatas.

para kang announcement ni sir Abs.

para kang mata ni ma'am Doc.

para kang letra dito sa keyboard.

Paano ang labo labo labo mo!

para kang photocopy ng petition paper ko.

para kang salamin sa foundation ko.

para kang kopya ng pirated DVD

para kang sirang TV.

paano ang labo labo labo labo mo!

sabi mo mahal mo ko.
pero friends lang tayo.
sa text kilala mo ko.
pag personal na tatablahin mo ko.
hahahaha.. =)

naknangteteng oh.
ba't ba ang labo mo?..
pinaglihi ka ba sa kalabuan?
o talagang di lang talaga kita maintindihan?..

tsk.tsk. naku ang labo mo talaga ****!
amp.pero ok lang yon men,
dahil mahal kita,kaya kitang intindihin.
at susuotan ko ang puso ko ng may mataas na gradong salamin.


oRanGe riBbon..




Napadpad ako sa isang hospital. Napahinto ako sa isang ward dahil may nakita akong mga bata na gumagawa ng ad laban sa dinaranas nilang karamdaman. Mga bata na ang kahilingan ay madugtungan pa ang kanilang buhay. Kung ating papansinin, karaniwan sa mga bata ay materyal na bagay ang makapagpapasaya sa kanila. Iba ang mga batang nasaksihan ko. Iba ang mga batang tinutukoy ko. Talagang kakaiba.
Matatapang.
Simple.
Malawak ang pananaw sa buhay.

Hayaan ninyo akong isa-isahin ang ilan sa mga bagay na nais nilang mangyari..
+ gusto nilang umabot sa panahon na kukulubot na ang kanilang mukha.
+magkaroon ng puting buhok
+ Humawak ng tungkod dahil sa katandaan
+Lumaki ang tiyan dahil sa alak.

Ilan lang ang mga bagay na iyan…mga bagay na ang mga karaniwan at NORMAL na tao ay pilit na iniiwasan.

Iba ang mga kabataang tinutukoy ko. Dahil nais pa nilang maranasan ang mga normal na pangyayari sa kabila ng sentensiya na kanilang hinaharap.
Ang sentensya ng leukemia.

Ano nga ba ang sakit na ito?..hayaan ninyong bahagya kong ipaliwanag sa inyo.
Ang leukemia ay isang uri ng kanser. Kung saan ang mga abnormal cells ay patuloy na dumarami, particular ang white blood cells. Ang leukemia ay nagugrupo sa dalawang uri, ang ACUTE at CHRONIC.
àKapag tinawag na acute ibig sabihin ay isang kaso ng leukemia na malala na at mahirap nang maagapan. Sa uring ito, ang mga immature blood cells ay di mapigilan sa pagdami. At sa pagdami nito, ay napipigilan ang bone marrow na magproduce ng healthy blood cells. Mas marami ang abnormal white blood cells.
àkapag chronic naman ito ay ang kaso ng leukemia na hindi pa malala. Aabot pa ng ilang buwan o kaya taon bago mabuo ang mga cancer cells. Ngunit kailangan pa rin itong maagapan sa lalong madaling panahon, sa pamamagitan ng mga gamut para mapigilan ang balak ng mga abnormal blood cells na maghasik ng lagim sa katawn ng biktima nito.

Ito rin ay nahahati pa sa dalawang uri, ito naman ay ang lugar kung saan nabubuo ang mga cancer cells, o sabihin na natin,kung baga sa bugbugan kung sino o ano yung mas pinag-iinitan niyang bugbugin.

Ang Lymphocytic leukemia – tinitira nito ang mga lymphocytes na siyang infection-fighting immune system cells.
At ang isa naman ay ang Myelogenous leukemia – tinitira naman ng cancer cells ang mga red blood cells, white cells at platelets.

Ngayon alam mo na?.
May naintindihan ka naman ba?.. dahil kung wala, hindi mo rin maiintindihan ang mga susunod ko pang sasabihin.

Bumalik tayo sa mga batang tinutukoy ko kanina. Bilib ako sa katatagang taglay nila. Kakaiba. Parang normal lang. Kilos. Pananalita. Pananaw sa buhay. Kahit kitang-kita sa pisikal na itsura nila ang karamdamang pinapasan.

May kaibigan akong namatay sa Kanser. Hindi siya aware na mayroon pala siya nito. Hanggang sa hindi na naagapan. Naaalala ko noong buhay pa siya, parang normal lang ang lahat. Hindi mo makikita sa kanya na pinanghihinaan siya ng loob.ayos nga eh. Siguro kung lahat ng tao ganoon, eh di maganda. Walang nahihirapan sa kabila ng hirap na nararanasan. Ok ang kaibigan kong yon, yun nga lang yung mga huling buwan na nabubuhay pa siya, masyado siyang nagiging papansin. Nangungulit sa text. Laging pumupunta sa bahay. Inaaway at kinukulit si Ciara. Hindi ko pinapansin pag nagtetext siya na nasa hospital siya,at gusto niya dumalaw kami. Palabiro kasi yun. Deadma lang lagi ako sa mga text niya. Hindi ko kagad nagets na may ibig pala siyang sabihin. Eh kasi nga hindi naman talaga halata. Hanggang sa isang araw nalaman ko nalang sa iba ko pang tropa na patay na siya. Nalungkot ako siyempre. Naisip ko bigla lahat. Ahhh.. kaya pala.

May nagtanong sa akin na kaibigan ko, bakit daw karaniwan sa mga may sakit hindi pinapahalata na may sakit sila?..(oo nga naman naisip ko rin iyon) Ang galing daw nilang magtago. Ang galing nilang magpretend. Sabi ko naman, kanya-kanyang dahilan lang iyan. Parang yung mga batang tinutukoy ko, may dahilan kung bakit pilit nilang binubuhay ang sarili nila.

Kapag nakakapanood ako ng balita tungkol sa mga batang may sakit, tulad nga ng leukemia, parang kinukurot ang puso ko. Masyado akong nadadala ng emosyon. Nakakaawa sila.

Siguro ang weird ng tingin ninyo sa akin dahil pinapaliwanag ko ang bagay na ito. “Kung mababatid nyo lang ang pinakadahilan kung bakit ko ito pinupunto, tiyak, maliliwanagan kayo. Sabihin na nating nagmamalasakit lang ako.. bakit?.. wala lang, kasi nga gusto ko. Gusto ko lang ibahagi ang mga nararamdaman ko. Hindi natin hawak ang buhay ng tao, kaya’t hanggang andiyan sila pahalagahan na natin ang kanilang presensya. Hindi rin natin alam kung kailan tayo puwedeng dapuan ng sakit at tayo naman ang malagay sa sitwasyon nila. Ang panahon, at higit sa lahat ang Diyos lang ang makapagsasabi. Hindi natin alam kung sino sa mga nasa paligid natin ang may sakit, tulad nga ng sinabi ng kaibigan ko magaling silang magbalat-kayo. Ngunit balatkayo nga ba ang tawag doon?.. hmmmm.. siguro mas maganda kung sasabihin nalang natin na “magaling silang magdala ng sarili”. Kaya hindi halata nag pinapasan nilang karamdaman. Kung sabagay, hindi mo naman kailangang ipagsigawan yung sakit mo para lang makakuha ng simpatya sa ibang tao, dahil sa pananahimik mo malalaman kung sino talaga yung mga taong nagmamalasakit. Iyong kahit hindi ka magsalita nararamdaman nila na kailngan mo ng kalinga at pagmamahal.

Katulad ng mga batang tinutukoy ko kanina, katulad ng kaibigan kong namatay, kailangan nila ng kalinga at pagmamalasakit. Ay, oo nga pala hindi ninyo sila kilala kaya hindi ninyo mararamdaman at hindi ninyo mabibigyan ng halaga.

Ganito nalang…
Paano kung isa pala sa mga taong malapit sa iyo ang may sakit na ganito, ano?.. babalewalain mo?..
Eh paano kung isang araw ay AKO, o kaya IKAW eh magkaroon ng sakit (tulad ng pinapaliwanag ko) at mapabilang sa mga batang tinutukoy ko, gugustuhin mo rin bang isa walang bahala ka nalang ng mga nasa paligid mo?..

Hayy..ano ba yan ang drama ko. Pero may laman naman ang mga pinagsasabi ko di ba?.. (sana nga)
Sa mga tao namang nakararanas ng sakit partikular ang kanser, huwag kayong mawalan ng pag-asa. Dahil may tao pa ring handa kayong tanggapin at pagmalasakitan. Tulad ko. Gumawa ako ng tula para sa inyo. Sana kahit papaano makatulong, at sa mga normal at malusog na taong babasa nito, sana makatulong din para mabuksan ang isip at puso ninyo para sa mga taong lumalaban para sa sakit na ito..

Take a deep breath before you read..



Tanto ko ang paghihirap mo,
Mula paa hanggang ulo.
Sa bawat kirot na sinasalo mo,
May mga taong nagmamalasakit para sa iyo.

Sa bawat sesyon, isipin mo hindi ka nag-iisa,
Dahil may puwang pa rin ang pag-asa.
Manalig kang gagaling ka,
Tatagan lang ang pananampalataya.

Pasiglahin mo ang iyong sarili,
Huwag hayaang puso mo’y humikbi.
Nandito lang kami sa iyong tabi,
Kahit matuyo na iyong mga labi.

Huwag mong indahin ang mga pasa,
Isipin mo nalang ito’y mga biyaya.
Magpalakas ka at magpakatatag!
At lahat ng takot iyong ibalibag.

Huwag kang mapanghinaan kung nalalagas na ang buhok,
At kung minsan ay nahihirapan kang lumunok.
Huwagkang susuko kung para kang sinusuntok,
Ng walang katapusang gamot na sa iyo’y itinuturok.

Lalong huwag kang magpaapekto sa nararamdaman mo,
Kahit may sakit ka, pilitin mong magpakatao.
Oo, ang dugo ang bumubuhay sa katawan mo,
Ngunit tandaan mo..
Ang pagiging mabuti ang bumubuhay sa pagkatao.

Sa kabila ng pangangayayat,
At sa laht ng gabi na napupuyat.
Paalala! Huwag na huwag kang iiyak!
Pilitin mong palakarin ang sarili kahit nakayapak.

At kung minsa’y gusto mong tumakbo,
Sa mga hapdi nais mong magtago.
Tandaan mo, TAO ka hindi ka lobo!
Makatutulong ang tusok ng hiringgilya sa ugat mo.

Ngunit kung hindi mo na talaga kaya ang tahimik na pagpalahaw..
Kung sobrang sakit na,sige! Idaan mo sa pag hiyaw.
HUWAG na HUWAG mo lang SADYAIN na BUMITAW,
Hintayin ang sarili mo, ang siyang lubusang umayaw.

Ang sakit mo, hindi binigay ng Diyos para pahirapan ka..
Alam mo bang sumisimbolo ito na ika’y pinagpala?
Sa dinami-rami ng tao na kanyang nilikha,
IKAW ang naipili nya para kaagad na makasama.

Ngunit may nananatili pa ring pag-asa,
Huwag mong isiping mawawala ka na,
Nandito kami, may karamay ka.
Tutulungan ka naming labanan ang Leukemia.

At sana, tulungan mo rin ako.
Tama ka, pareho tayong nakakulong sa pighating ito.
Alam kong naiintindihan mo ang punto ko,
Hindi ka nag-iisa dahil pareho tayong sinentensyahan ng mundo!

………………………………………
Ikaw normal na tao,
Ngayong nabasa mo na ito,sa tingin mo weird ako? Nagets mo ba ang pinaparating ko?..
Sige,pag-isipan mo..
Oo. Malapit na kong mapabilang sa mga batang tinutukoy ko...
Yun nga lang sana satin-satin lang to.. =( sana ang lahat ng nalaman mo, iwan mo nalang muna dito, pero siyempre magbaon ka kahit papaano ng PINAKA NATUTUNAN mo.