Saturday, January 17, 2009

(//_T) sUmpuNgan

umalis ako ng piyo mag-isa..
naglakad..kung saan mapadpad ng mga paa.
kailangan kong hanapin ang sarili ko,
at alamin kung ano ba talaga ang probLema.

naglakad ako patungong Lerma,
sumakay ng jeep,nagbayad sa Mama.
pumara ako sa City hall ng Manila...

..at sumakay uli, nagbayad uli sa Mama.

hindi ko alam kung saan ako bababa,
Para Mama!, dito nalang po ako sa tabi.
tinignan ko ang street, Mabini.
tamang-tama, dito muna ako mananatili..

naglakad, hanggang mapunta ako sa baywalk,
malayo pa lang naaamoy ko na ang laot.
tumawid, pero tulala pa rin.
hindi alam ang gagawin, huwag lang sana akong banggain.

umupo ako sa may bato, sa katulad ko na konkreto.
dalawang taon na rin pala ang nakaklilipas noong huling punta ko dito.
ganoon din, malungkot din ako.
bitbit ang pagkatao kong magulo.

tinignan ko ang langit,

madilim...

tinignan ko ang tubig,

maitim...

at napatingin ako sa sarili ko, ganoon din.
madilim at maitim...

kinausap ko ang Diyos, alam kong katabi ko siya.
buti nalang walang nakapansin na para akong tanga,
sinabi ko sa kanya ang lahat...
ang lahat-lahat ng bumabagabag.

sa panahong iyon, payapa ako.
payapa sa totoong kinakaharap ko,
nakaharap ako sa dagat, mapayapa at malapad,

ngunit...


pagtingin ko sa likod, nakita ko na naman ang realidad.

mga sasakyang maiingay...
mga taong nagsisigawan...
mga batang walang patutunguhan...

parang ako...

..maingay ang kalooban.
sumisigaw sa dinaramdam.
at dahil doon wala akong mapatunguhan...

ilang saglit..

nag-isip isip ako...
sinabi ko sa sarili ko.

tama na nga!, para na akong gago.
sana pag-uwi ko, ok na ako.
salamat sa inupuan kong bato at kilala pa niya ako.
nanggaling na rin ako dati sa lugar na ito.
at may nakilalang dalawang ermitanyo.
pero ngayon..

wala...

kundi sarili ko lang ang aking kasama...

ngayon, mag-isa kong haharapin ang lahat,
at pag-uwi ko aayusin ko ang lahat ng may lamat.

lamat sa pagkatao...
lamat sa puso...
lamat sa kalusugan...
lamat sa kaibigan...
lamat sa pag-aaral...
lamat sa pagdarasal...

umuwi akong may baong misyon.
ang ayusin ang lahat ng may lamat.

salamat at nasumpungan ko ang sarili ko sa kabila ng lahat,
salamat dagat.

salamat...

1 comment: