Tuesday, January 27, 2009

Y?

Nagulat...nanibago..nagtaka..
Iyan ang naramdaman simula ng muli kitang makita..
BAKIT NGA BA??
Tara, samahan mo kong alamin kung bakit ba talaga..

Pitong taon na ang nakalilipas..
simula ng una kang makita sa labas..
sa labas ng klasroom namin na palakad-lakad..
palakad-lakad pero hindi umuusad..
Ewan ko ba kung sino ang tinitignan mo..
Basta alam ko lagi kang dumadayo...

Mabait..tahimik..maamo
iyan ang katangiang nakita ko sa'yo..
Naksama sa ilang paligsahan..
paligsahan na ang talino ang labanan..
Tangan ang tingin mong di ko malaman..
di ko malaman kung sa akin o sa kanya nakalaan..

Sabi mo pa idolo mo ako..
sabi ko rin, "pareho tayo"..
Ikaw na parang anghel ang pagkatao..
pagkataong naging dahilan para maging malapit ako sayo..
Pero isang araw naging kayo ng kaibigan ko..
na hindi ko alam ay may tinatago ka pa lang pagsuyo..

Pagsuyo para sa akin..
at ako, na hindi iyon pinapansin..
Pinapansin ko lang ay ang pagkakaibigan natin...
pagkakaibigang di dapat limutin.

Hindi ko nga kinalimutan...kaya muli kitang binalikan..
NAKAKAGULAT!..
iba ka na..
ibang-iba sa dati kong nakilala..
kilala pa nga ba kita?..parang hindi na..
NAKAPAGTATAKA!..
ang dating anghel naging masama..
ang dating matalino naging walang kuwenta..
ang dating maamo naging buwaya..
ang dating tahimik naging palamura...
ikaw pa ba yan?..
nagulat talaga ako sa aking nasilayan..
Ang laki mo na! iyan lang ang salitang lumabas sa aking isipan.

Ilang taon na rin naman kasi iyon...
iyon na malayung-malayo na sa ngayon...
ngayon, na walang bakas ng noon...
noon na sobra ka pang mahinahon..

Ang laki mo na talaga! yun lang talaga ang salitang lumalabas sa bibig ko..
pero sa totoo, gusto kong isigaw..ANG LAKI NA NG PINAGBAGO MO!!!.
mula ulo... hanggang paa...
mula salita... hanggang sa gawa..

Hindi ka na maamo at naging basagulero.
hindi ka na magalang at naging magulang.
NAKAPAGTATAKA talaga kung bakit ganyan ka na..
Lahat ng magagandang katangian mo dati, nawalang parang bula..

Pero...
may isang hindi nag-iba..
ang pagtingin mo sa akin nandiyan pa..
Bakit iyon napreserba?..
pero yung dating ikaw..naglaho na?..

Nasaan na ang taong kareviewhan ko kapag may paligsahan?..
at kapag natalo kabatuhan ko ng sisihan..
Nasaan na ang taong walang alam na kalokohan?..
at ang alam lang ay aral at halakhakan..

NAKAKAGULAT... NAKAKAPANIBAGO.. NAKAPAGTATAKA talaga..
Pagkalipas ng ilang linggo nating muling pagkikita..
na kahit ganito na rin ako at ganyan ka na..
Natutunan nating mahalin ang isa't isa..

sa totoo lang hindi talaga ako nagulat sa kinaiba ng pagkatao mo..
ang dahilan ng lahat ng pagkagulat, pagkapanibago, at pagtataka ko..


AY ANG SARILI KO..
AKO..
dahil hindi ko inakala na mamahalin ko ang tulad mo.

No comments:

Post a Comment