Si Eba at Adan.. naging simbolo ng sangkatauhan.
Dalawang kasarian, at wala nang iba pa man..
Taong nilikha ng Diyos na may dapat gampanan..
Ang babae,ay dapat magpakababae..
Ang lalaki,ay dapat magpakalalaki..
Ngunit ..
Paano kung hindi ganoon ang nangyari?..
At biglang nagkaroon ng panibagong lahi.
Lahi ng mga berde ang dugo..
Na kadalasang kinaiinisan ng maraming tao.
Minsa’y hinahamak at tinutuksong kabayo,
Pero kung iisipin ninyong mabuti..
Isa sila sa nagpapasaya sa mundo!..
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
OO!!
Isa ka sa nagpapasaya sa maraming tao!
Nagmamahal ng lubos sa mga kapamilya mo.
Nagpapatawa sa aming mga kaibigan mo..
At higit sa lahat.. nagbigay kahulugan sa tunay na pagiging tao.
Na kahit ganyan ka..at tinatawag na bakla..
Binigyan mo ng saysay ang buhay.
Hindi ka nagpapaapi at di pumapayag na malumbay.
Masayahin ka kung tignan,
Na sumisimbolo sa iyong katauhan.
Na siya ring bumubuhay sa aming pagkatao.
Pagkat kailangan namin ang tulad mo.
Dahil isa ka sa nagpapasaya sa tropa..
Nangunguna minsan sa pangungutya.
Ikaw na laging maaasahan sa maraming bagay,
Takbuhan kapag may gusto kaming ipaokray.
Marami ka ring linyang pinauso…
Mga salitang binigyan mo ng anggulo.
Alam mo bang Araw-araw..
Lagi namin iyong namimiss..
Tulad ng pinasikat mong,
“TATRY KO..PERO DI KO MAPAPROMISE…”
Nagbigay tatak sa iyo ang iyong mga halakhak..
Ang walang humpay mong sigaw at pagpadyak.
Buhay na buhay ang hallway kapag ikaw’y tumatalak,
Pero...
Ang hindi namin malilimutan ay ang Open Forum natin,
Kung saan pinilit mong huwag umiyak..
alam namin sa loob-loob mo…
Gusto mong sumigaw..
Gusto mong pumalahaw..
Iyon ang unang araw kung kailan nakita kang naging mababaw…
Subalit pinilit mong maging ikaw..
Kaya’t pinigil mo ang lungkot na sa ati’y nangibabaw..
Ganyan ka namin nakilala..
Ganyan ka namin tinanggap..
NGUNIT…
Bigla kang hindi mahagilap..
Ilang buwan at taon ka rin naming hinanap..
Para muli kang mayakap at makausap.
Lumipas na nga ang mga araw..tuluyan ka ng naglaho,
Iniisip palagi kung ikaw ba’y napapano.
Inaasahan na lang namin ay ang txt na galing sa iyo…
Patuloy na nakikibalita sa BAGONG takbo ng buhay mo.
Sa bawat balitang natatanggap, talagang nakakagulat,
Pero uni-unti kaming namulat..
Umalis ka para tuparin ang iyong pinapangarap..
Ang sa iyo’y baguhin ang lahat-lahat…
Ang buhok mo..
Ang katawan…
Ang itsura..
Ang galaw..
‘HUWAG mo lang sanang baguhin ang ugali mo
kung saan ka namin MINAHAL…
at ngayong kaarawan mo…
isa lang ang aming hiling..
iyon ay ang maging Masaya ka,
sa mundo na iyo ring hinihiling…
Mahalin ka pa ng mga taong nasa paligid mo,
Sa kabila ng ibang tingin nila sa iyo.
Basta’t patunayan mo lang na mabuti kang tao…
Maiaangat mo ang sarili sa mali nilang pagtrato.
Alam din naming naiintindihan ka ng Maykapal,
Kahit nasa pagitan ka ni Eba’t Adan.
Di ba’t puso naman ang kanyang tinitignan?
Kaya’t huwag kang mag-alala..
Hindi naman siguro kasalanan ang maging ganyan.
Ngayon nga, ganyan ka na..
Bukas ano na kaya?..
Sana…
Kung ano pang maisipan mong ipa-iba,
Ay manatili pa rin sa puso’t isipan mo ang TROPAKADA..
ilabyou ate shawi..

No comments:
Post a Comment