Tuesday, January 20, 2009

caTALepxiA..(cataLepsy)

Minsan gusto kong magkaroon nito,
Yung sa ilang minuto hihinto ang tibok ng puso.
Parang patay..
Walang pakiramdam..
at buong katawan ay hindi maigagalaw.
isang sakit na makasasagot sa aking dinaranas.
Sa tuwing masasaktan pag ako’y minamalas.
Ang hirap kasing pigilan ang kirot sa dibdib.
Mula sa kalingkingan, buong pagkatao sumasakit.
Gusto ko ng maging manhid, kung bibigyan ng pagkakataon.
Sa kahilingan, ang sakit na ito ang tugon.
Sa ilang minuto, ako’y magiging tuod.
Na animo’y patay at kulang nalang ay puntod.
ATlis sa ganoong kalagayan hindi na makakaramdam ng lungkot,
Sa tuwing magkasama kayo, puso ko’y kumikirot.
Ayoko nang gumalaw, pero ayaw ko rin namang umayaw
Ayoko ng magpatama, pero ayaw ko rin namang tumanga.
Sana magkasakit na ko para di na ko makadama,
nasasaktan na ko….. SOBRA..

Nag-isip ako at nagmuni-muni.
Nanalangin na sana iyon ay mangyari.
Pag-ibig, pagmamahal, ayoko ng manghingi
Habang minamahal kita,
Ako nama’y isinasantabi
.

Kapag nagkasakit ako nito, mawawalan na ako ng malay,
Ganoon din naman parang unti-unti mo akong pinapatay.
Isang buhay, na nabubuhay na parang patay,
Patay pero buhay na buhay.
hayyyyy.. kung sabagay sabay mo kasi akong binubuhay at pinapatay.

Natulog akong may kimim na hiling,
Na ang Maykapal sana ako’y dinggin.
Ngunit biglang may nagslaita sa gitana ng pagkakahimbing,
At nagwika sa akin ng mga dapat kong gawin.

Anak’, tawag niya sa akin. “lumapit ka dito at ako’y may sasabihin.
Tanto ko lahat ng iyong saloobin,
Napakinggan ko rin maging ang iyong mga hinaing.
Narito ako upang ikaw’y pakalmahin,
sa mga pighating lagi mong dinadaing.”
Napatingin ako sa kanya at sumagot ng mahinhin,
“Ibibigay mo na po ba ang aking hiling?”
Tumugon siya,
Anak, hindi mo kailangan ng KATALEPSYA.
Upang lahat ng kirot ay nais mong mawala,
Ang pinaka kailangan mo ay PANG- UNAWA.
MAsakit sakin na makita kang lumuluha,
KAya sana, lahat ng agam-agam iyo ng mapalaya.
ANg tao nilalang ko para di magdusa,
Kayo ang dapat gumawa upang buhay niyo’y lumigaya.
Huwag kang magpakahina pagkat alam kong malakas ka,
Unawain mo nalang na nakalaan siya sa iba.
Kung ayaw mong masaktan,
Huwag mong saktan ang sarili mo.
at hindi ang pagkamanhid ang sagot dito.
PAGTANGGAP at PANG-UNAWA sagot sa siphayo,
Kung hindi para sa iyo, Anak, tanggapin mo.
Ang dinadalangin mong KAtalepsya ay panandaliang sagot lamang,
Sa mga kirot na ayaw mong maramdaman.
Samantalang ang Pang-unawa
sagot panghabang-buhay,
Huwag mong hilinging mamatay,
pagkat napakasarap mabuhay.
Tanggapin mo nalang lahat ng pangyayari,
Unawain mo kung bakit ito nangyayari.
Umiyak ka pag nasaktan, pero wag iwala ang sarili,
Sa lahat ng pita, ikaw pa rin ang may susi.”

Nagpasalamat ako at hinagkan siya,
“TAma ka po, pang-unawa at hindi katalepsya.”
Tatanggapin ko nalang kung sila na ang magkasama,
Kung sabagay mahal naman daw niya ako,
ayaw nya lang makasakit ng iba.”

Mabuti Anak, at natanto mo na, alam mo bang may nagmamahal sayo ng higit pa?”
Napangiti ako, “Talaga po sino siya?”
Hindi lang isa anak, dalawa pa.”
at sa huling tugon an iyon bigla nalang siyang nawala.

Nagising kao na parang nasa ulap,
Inalis sa isip ang KATALEPSYANG pinapangarap.
Ngunit ang sagot, pilit kong hinahanap,
NAng sa likod ko ay may biglang yumakap.

“MAMI! MAHAL KITA!” sigaw ni Ciara!
Tama siya nga! Siya yung isa sa dalawa.
Ngunit sino pa kaya yung natitira?
Ah! ALam ko na..



si GOD yon di ba?..

No comments:

Post a Comment