Friday, April 2, 2010

Minsan nga natuto akong tumugtog…
Ginawa kong buhay ang pag-indayog.
Tapos bigla na lang nawala,
Tapos pinilit kong mabura sa ala-ala.

Hindi ako magaling na MUSIKERA..
Magaling ka. Mahusay siya, bagay kayong DALAWA.
Kaya ngayon sa bawat palo n’yo..
Alam kong alam nyo..
Natatamaan ng sobra ang puso ko.

Ngayon…Para akong MARIMBA.
Sa bawat palo ninyo nakakalikha kayo ng musika.
Sana nga marimba nalang ako..
Para kahit anong hampas n’yo..
Hindi ko ramdam makasunod lang kayo sa TONO.

Ilang araw din akong nagparaya…
NAGPARAYA sa MUSIKERONG DI MARUNONG MAGPAHALAGA..
Tapos ngayon, tumutugtog kayong magkasama..
Hindi ninyo KASALANAN..
PERO KAYO ANG MAY GAWA..

Sige, pumalo lang kayo hangga’t gusto nyo!
Lakasan ninyo!
Hangga’t kaya pa ng puso ko.
Di ba hindi naman kayo nasasaktan sa pagpalo??..
Masakit sa iba pero kaligayahan ninyo.

Ituloy nyo lang ang sinimulan nyong musika.
Hindi ako kontrabida para sirain ang inyong lirika.
Magaling kayong tumugtog di ba?
Sige, patunayan nyo hangga’t nasa tono pa ang marimba.

Dahil kapag dumating ang araw…

At lumipas na ang panahon..

Doon..

Matatanto nyo..
NAPAPAGOD DIN ANG MARIMBA…

Hindi nya lang kayang magsalita..
Dahil mas pinili niyang magparaya.
Naiintindihan ko ang marimba..
Kaya inilalagay ko ang sarili ko sa kanya.
Magtitiis hangga’t kaya.
.SINO BA NAMAN AKO para MAGREKLAMO sa mga TAONG MAGAGALING tumipa.

Ngunit, kapag dumating ang araw na nawala na kayo sa TIYEMPO..
Huwag ninyong sisihin ang instrumentong nagbuklod sa inyo..
Dahil isa lang ang ibig sabihin nito..
Ang marimba’y NASASAKTAN din tulad ng TAO.

NABABALI..

NAPIPIGTAS..

BUMIBIGAY..

Lalo na’t kapag hindi marunong magpahalaga,
Ang musikerong may PUSO NGA SA MUSIKA..
Ngunit WALA NAMANG KALULUWA sa nararamdaman ng KAPWA..

IKAW.


Subukan mo minsan maging marimba..
Nang hindi ka lang palo ng palo at
Makaramdaman ka naman ng PAGDURUSA..




Nang..Maliwanagan ka..

Nang malaman mo..

At MATUTUHAN MO NG TOTOO..



KUNG PAANO MAGPAHALAGA…

SA PUSO NG IBANG TAO..