Saturday, February 21, 2009

mY tOp 10 soNgs

10.
never gonna let you go.. faiTh evAns

09.
If I werE a boY.. - bEyonCe

08.
voiCe wiThin.. - ChrisTins aguiLLerA

07.
I wAnnA knOw.. joE

06.
oN beNded KnEe..-boYzIImEn

05.
dAncE wiTh mY faTher.. -luTher VAndrOsS

04.
juSt sTAnd uP.. variOUS artiSt

03.
oNe swEet daY - BoyzIImen feAt. maRiah caREy

02.
cOncreTe anGEL.. -MartinA mCbriDe

01.
ID RATHER.. - luTher vanDroSs

Wednesday, February 18, 2009

"huwag kayong mainggit sa kakayahan ko na kayang isulat ang lahat ng nararanasan. Kaya nyo rin naman... ayaw nyo lang na matawag kayong emosyonal.."


Monday, February 16, 2009

para sa mundo ko..

may mga bagay na pilit kong iniintindi..tulad na lang ng mga panahon na para akong nakakubli. parang hindi nakikita. parang hindi ninyo nararamdaman. Alam kong matagal na ang ating samahan. Matagal ninyo na akong binubuhay sa pamamagitan ng pagkakaibigan. Pero, may mga bagay na talagang gumugulo sa aking isipan. iyon ay ang mga araw na parang wala kayong pakialam. kaya heto, pinipili kong manahimik na lang. Hindi ko na ba kayo maabot?.. hindi na ko makasakay sa mga kuwentuhan nyo pag nakaumpok. Wala akong sama nang loob sa bawat isa. wala akong karapatan para magalit sa mga taong binigyan ako ng pag-asa..noong una.. ngayon at sana sa susunod pa. Nalulungkot lang ako pag minsan pakiramdam ko na isa ako sa naiitsapwera. Paano ko kayo masasakyan kung ganoon nalang ang lagi kong nadarama Tatanungin ninyo ako kung anong problema, pag sumagot ako ng wala..sasabihin nyo hindi ako nagsasalita. Pag sinabi ko naman lahat ng gusto kong ipaunawa..wala. o hindi naman kaya dadalawa lang ang magbibigay ng simpatya. Hindi ko man kayo makasama ngayon araw-araw...o sa susunod pang darating na kasiyahan. Hindi ko man na maabot ang lebel ng inyong karunungan...nandito pa rin ako. Uunawain ko lahat. Sana unawain nyo rin kung bakit ganito ako. Kahit na ang iba sa inyo iniisip na may sarili akong mundo. Tama kayo, may sarili nga akong mundo... sana lang huwag nyong ipagkait ang mundo na pinili ko..
dahil kayo ang mundo ko. Kahit na minsan ay nakikitira ako sa ibang mundo. Nakikisalamuha sa ibang tao. Paano wala kayo..nagkakasiyahan kayo na hindi ako kasalo.Gusto ko uling maramdaman ang pagkakaibigang nakasanayan ko. Huwag naman kayong lumayo... Huwag nyong hayaang mapalayo ako sa inyo... =(

baLisang isip..

Gabi-gabi nalang balisa..
iniisip mga kasalanang nagawa.
Mga bagay na pinalagpas ang pagkakataon,
Kaya ngayon nalulugmok sa mga iniwan ng panahon.

isip ay nakakadena...
kaya bumabalisa.
Sa pagkakakulong pilit kumakawala...
pumipiglas sa bawat galaw ng diwa.

Balisang isip nangingibabaw..
nakakapagod din palang magpaalipin sa sariling kabaliwan.
Araw-araw parang nawawala ka sa katinuan...
binubusabos ng kabalisaan ang pagkataong di maintindihan.

Maraming bagay ang pumapasok sa isipan..
tila paulit-ulit na tinatanggal ang matinding kamalayan.
Suko na ako sa ganitong kalagayan..
PAKIUSAP...palayain nyo na ako..
sa mundo ng kabalisaan.

-kRos mai haRt-

Ilang hakbang nalang, malalapitan na kita…
Ngunit bigla kang umiwas noong malamang ako’y papalapit na.
Wala akong magawa,kung hindi ang lumuha,
Gusto man kitang habulin ngunit huli na.

Ikaw na mismo ang lumiko para di ako makita,
Alam kong kasalanan ko,kaya ngayon natutulala.
Umiyak man ako ng sandamakmak na luha…
Wala rin namang mangyayari…
Wala na kong aasahan pa.

Ilang araw din akong nalugmok,
Gabi-gabi nagmumukmok sa sulok.
Dinadaan sa pananahimik ang lahat ng himutok,
‘pag naaalala kita para akong sinusuntok.

Bakit pinayagan mong lumapit sa’yo ang iba?..
Samantalang ako, hinayaang mag-isa?..
Sabagay,hindi kita masisisi kung wala na talagang pag-asa,
Ngunit kung mayroon pa man, sana nga magawan pa.

Hindi ko matanggap na hindi tayo itinadhana..
Masakit isipin na walang nangyari sa ilang taon kong pagtitiyaga.
Simula’t sapul alam mong pinangarap na kita,
Hindi ko pinansin ang iba dahil hinihintay ko ang pagkakataong
makasama ka.

Ngayon nga, konti na lang makakamtan na kita…
Pero bakit ganito ang kinahatnan nating dalawa?
Sandaling panahon lang kitang iniwan dahil sa dinaranas kong problema,
Bakit bigla mo kong tinalikuran at hindi inunawa?..

Alam kong gusto mo rin ako at matagal nang hinihintay,
Ito na ang pagkakataon natin, pero biglang sumablay.
Tuwing binabanggit ka nila hindi ako mapalagay,
Naiiyak na lang ako pag naiisip kong hindi pa tayo bagay.

Ano pa bang dapat kong gawin para tanggapin mo,
Sa loob ng tatlong taon hindi ako nagloko.
ibinigay ko lahat ng magagawa't makakaya ko,
Tapos sa bandang lang pala tayo mabubulilyaso.

Huwag mo naman akong pahirapan sa kaiisip sayo,
kung wala na talaga, tatanggapin ko.
Pero sa susunod, ikaw nalang muna ang nag-iisang prayoridad ko..
Para naman matupad ko na ang dati ko pang pinapangako...

...ang MAKAAKYAT SA'YO...
pangako yan...
ENTABLADO..



***para sa graduation kong naudlot ngayong march =( ****

Thursday, February 12, 2009

sAbi sA mMk...





...WALANG TUNAY NA PAG-IBIG NA HINDI NAKAPAGHIHINTAY SA TAMANG PANAHON..

--tama

Saturday, February 7, 2009

sa LikOd ng pagiging konkreto..

konkreto..iyan ang tawag ko sa sarili ko..di dahil patay na ako..

konkreto...dahil naging matatag ako sa kabila ng lahat ng kahinaan ko..

Minsan iniisip ko...bakit ganito?..
Bakit sila,masaya?..
Bakit sila may buong pamilya?..
bakit sila may magandang buhay?..
Bakit sila may malambing na nanay?..
Hindi naman ako naiinggit..naitatanong ko lang.

Simula pagkabata...nabuhay akong may agam-agam.
Lumaki akong may hinanakit. Nagkaisip ako ng may kinikimkim na galit...
Masuwerte ang mga taong, may mabait na magulang.
Mapalad ang mga batang mahal na mahal nang kanilang nanay at tatay...

Ako..
May nanay..
May tatay..

pero hanggang doon lang iyon.

Naiintindihan ko si Papa...nasa malayo siya para buhayin kami..
Si mama..nandito...kasama namin. Pero hindi namin maramdaman.
Hindi ko maramdaman.
Natatak sa isipan ko ang magpakarebelde dahil sa lahat ng nangyayari.

.....ito si Mama..
........ito kami

simula't sapul,may hinanakit na ako sa kanya.
Bakit?..dahil binuhay nya kaming may takot sa kanya...mahina. Iyakin.
Hindi naman siya masama...
kung ikukumpara mu lang naman sa ibang magulang. Malayung malayo siya.
Malayo ang pigura niya sa nanay na kailangan ko.
Hindi ko pa siya nayayakap simula magkaisip ako,samantalang dalawampu't isang taon na kaming magkasama sa iisang bahay..
Hindi ko pa siya nahahalikan simula ng ako'y mamulat, samantalang halos sa bawat segundo na ginawa ng Diyos ay nagkakabanggaan ang aming katawan..
Hindi ko pa siya nasasabihan ng MAHAL KITA sa personal, samantalang araw-araw ko siyang nakakausap..
Lahat iyan..hindi ko pa nararanasan sa kanya... dahil nabuhay akong may hinanakit at galit.
Ang halik at yakap na inaasam asam ko, hindi ko makuha. Paano naunahan nang maitatak sa katawan ko ang mga palo at latay kapag nagkakamali kami ng gawa.
Ang mga salitang Mahal kita ay naunahan na ng sigaw at mura...
......Tuwing ganoon siya...nagagalit ako sa Diyos. Alam kong mali, pero iyon talaga ang nararamdaman ko..
Natatak sa isipan ko ang nanay na marunong mag-asikaso pero hindi marunong magkalinga..
marunong magsermon pero hindi marunong magpayo...
Marunong manisi pero hindi marunong humingi ng tawad...
Marunong dumisiplina..pero sa maling paraan.
Magaling magpayo sa iba, pero hindi kayang gawin ng mga sarili niyang kamay at isipan...
Isa siyang tao na bumuhay sa amin...pero siya rin ang taong unti-unting pumapatay sa amin.

Kung bibigyan ako ng pagkakataong balikan ang nakaraan...siguro,hindi ko na nanaisin...

Ayoko nang balikan ang panahon na nabuhay akong walang bibig...
Umiiyak ng paimpit...
Nang dalawa hanggang tatlong araw na hindi nagpapalit ng damit..
Na kapag nadapa,ay bubugbugin ka pa sa halip na yakapin..
Bawal maligo hangga't walang pahintulot niya...
Ang hindi makapaglaro sa bahay kasama ng ibang bata..
Ang umiiyak bago matulog...
Ang pumasok sa skul na may tipid na baon...
Ang hindi kumain ng hapunan dahil gabi naman raw...
Ang walang kasamang magulang kapag may okasyon sa eskwelahan...
Ang pumasok sa paaralan bitbit ang mabigat na bag...
Ang halos araw-araw na pinapalo pero walang matakbuhan...
Ang mamalimos ng pagmamahal dahil wala kang mayakap...


Ayoko nang bumalik sa nakaraan, na alam kong nagmumulto pa rin sa kasalukuyan..

Marami na akong ginawang paraan para makalayo...
Lahat kaming magkakapatid, pare-pareho ng paraan..iyon nga lang ako lang ang hindi nagtagumpay. Nagdamay pa ako ng isang anghel na walang kamalay-malay...

Si mama, ang tingin ko sa kanya...masama...

dahil ganoon ang kaniyang pag-uugali..
dahil sa mga latay na naranasan ko at naming lahat..
na halos gabi-gabi,sumisigaw kami sa sakit at Walang matakbuhan.
sa mga murang natatanggap namin sa araw-araw...
sa bawat panunumbat niya dahil kami ang kaniyang naging anak...

nagagalit ako sa kanya...
gusto kong ibalik sa kanya ang lahat ng kanyang ginawa..
pero....
alam kong mali.

Mali. Dahil ehemplo pa rin ang tingin ko sa kaniya.
Kahit saliwa ang kanyang pagkatao.

NANAY pa rin siyang binigay sa akin ng Diyos..

Ngunit...

Natatakot akong baka gawin nya rin sa anak ko ang mga bagay na ginagawa nya dati sakin..sa amin..

..hindi ako nagkamali.

Tuwing dadating ako ng bahay..umiiyak SIYA. naiisip ko nalang, kailan kaya magbabago si mama.
Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit,halos ayaw ko ng umalis ng bahay. Pakiramdam ko, tuwing aalis ako ng bahay nagkakaroon ng giyera.
At ganoon nga ang nagyayari...minsan kahit nakabihis na ako ng pangpasok sa eskwela, nagpapalit uli ako kapag nakikita kong sinasaktan niya si ciara.
Natiis ko dati...pero ngayon baka hindi na.
Ayoko ng madugtungan ang mga nangyari dati.
Ayokong makita ang anak ko na humihingi ng tulong sa akin...
ayokong lumaki siyang may galit din kay mama...

Maraming bagay na hindi maipaliwanag, at maraming pangyayari na hindi malaman kung anong dahilan.

sa ngayon...ito ako. Kaya kong ipaliwanag, pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari.
Natitiis ko paring makasama ang taong nagluwal sa akin..pati narin ang batang iniluwal ko sa kabila ng hinanakit na nangingibabaw.
Wala rin naman kasi akong mapupuntahan.. Hindi ko pa kayang magsarili...

at alam kong kailangan kami ni mama kaya walang dahilan para iwan ko siya.

Iyon nga lang..sana ngayon, magbago na ang lahat.

Galit ako sa mga magulang na walang pagmamahal sa anak...
Pero mas galit ako sa mga anak na walang pagmamahal sa magulang..

OO.
Galit ako sa nanay ko.
Siya ang dahilan ng pagiging konkreto ko..
Pero kahit ganoon...

MAHAL NA MAHAL KO SIYA..
at patuloy na mamahalin pa.

Wednesday, February 4, 2009

..wHere's cuPid?..

Have you ever set your heart on someone though you didn't stand a chance?
Have you ever wished that someone would think the way you do?
Have you ever fell in love with someone who didn't love you too?
Have you ever tried to explain to them the feelings in your heart, only to hear a response, that tears your heart apart.?
Have you ever spent so much time with someone, even though it hurts inside.?
Have you ever tried to save a friendship, by having your feelings hide?
Have you ever wanted that friendly hug, to turn into a kiss?
Have you ever wished your heart would stop wishing,
For those things that won't come true?
Have you ever wished that....
that someone would try to love you too?..

-kYurYus-

old Line:ang sabi ng mga matatanda... ANG BATANG MATANONG...AY BATANG MATALINO

Proof:
Isang gabi..naglalakad kami ni Ciara. Gawain kasi namin yun kapag gusto nyang magpapagod. nililibot namin buong baranggay namin. Lahat ng road, dapat dadaanan namin. Talo pa namin ang mga tanod. Napadaan kami sa isang road..medyo madilim.. mayroong magboyfriend/girlfriend na nakatayo. Yung lalaki nakasandal sa kotse, yung babae nakaharap sa lalaki. Medyo may puwang sa gitna. Hindi sila nagsasalita..magkatinginan lang. Nagpapakiramdaman. (Kung may jowa ka, alam mo siguro ang ibig sabihin ng ganoon. Malamang magkaaway) Dumaan kami ni Ciara. Dumaan kami sa gitna ng dalawa dahil medyo makipot na yung daan,dahil sa kotse na nakapark.

Ako at Ciara: Excuse me po...makikiraan.

Hindi gumalaw ang dalawa. Pero dumaan parin kami ni Ciara. Tumingin si Ciara sa dalawa. Nagtataka siguro kung anong ginagawa nila doon. Ni hindi man lang nagsasalita... tapos nung dumaan kami hindi man lang gumalaw. Nagtanong siya sa akin.

Ciara: Mami, anong gagawa nila doon?...

medyo nagtuloy na kami sa paglalakad pero hindi pa naman gaanong malayo sa dalawa.

Ako: Hindi ko alam, baka nag-uusap..

Ciara: Eh mami, ba't andun sila?..bakit hindi sila gagalaw?..

Natawa ako. kasi alam ko sa sarili ko ang dahilan. Kaso hindi ko masabi sa kanya dahil hindi pa nya yun magegets..dinaan ko sa biro..

Ako: Ba't ba sakin mo tinatanong, tanungin mo kaya sila..

Biglang bumitiw sakin si Ciara. Tumakbo papalapit sa dalawa. Nagtanong.

Ciara: hoy! anong gagawa nyo diyan?.. aaway kayo?????

Hindi sumagot yung dalawa. Napangiti lang sa tanong ni Ciara. Haha. adik. Alam rin pala ni Ciara yung mga ganoon sa isip isip ko. Lumapit ako sa kanila.

Ako: Ai, pasensya na po ha.. hehe..

Hinila ko si Ciara.

Ciara: Mami, hindi daw sila aaway.

Ako: Kulit mo talaga. Ba't mo pa tinanong?..eh hindi mo naman kilala yung mga yun.

Ciara: Hindi nga sila aaway mami eh, tignan mo kikiss pa nga sila oh..

HAHAHAHA!! takte, nakatingin pala pa rin doon si Ciara habang papalayo kami sa dalawa. Paglingon ko. Ayun magkayap na.

Ciara: Mami, ba't sila yayakap?..

waaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!! ang daming tanong. hahaha.
sa isip isip ko, ano ba tong batang to, lahat gustong malaman. Matalino. haha.
Kaso dahil doon, may nabuo rin akong bagong kasabihan.

new line: ang sabi ko naman..ANG BATANG MATANONG..AY BATANG USISERA/USISERO.

haha.

Sunday, February 1, 2009

routine...

pagdating ko sa bahay...

bubukas ang pinto.

sisigaw si Ciara..mamiiii!!!!!!!
o di naman kaya makikita ko siyang tulog..

magbibihis ako...

kung gising si Ciara lalabas kami..

hanggang sa mapagod. at makatulog siya.
At dahil ganoon ang nangyayari,
hindi ako nakakapag-aral sa bahay.

pero kung tulog...
tatanungin ko si Mama.
(kanina pa yan tulog?)

sasagot si mama.
OO kanina pa.
(paano pinapatulog maghapon para di siya makapag-alaga)

maiisip ko. Patay!
wala na namang tulugan mamaya.

magigising si Ciara.

Iiyak.

sisigaw si mama.

magagalit.
minsan magmumura.

sakit sa tenga!!.

dahil kagigising lang ni Ciara,
hindi ako matutulog.

babantayan ko siya magdamag.

mapupuyat ako.

kinabukasan, hindi ako magigising ng maaga.
paano..

puyat.
pagod.

hindi ako makakapasok.
paano...

late.
walang assignmnet.
walang project.
traffic.

araw-araw ganoon...


wala lang. Gusto ko lang sabihin.
yan ang skedyul ko. Kayo ba ano?..
Oras...
klase...
project...
assignment....
katawan...
kalusugan...
utak...
sarili..


lahat yan na set aside ko..
kaya ayan...ganito ako..
alam ko, alam ko ang dahilan...
pero mas gusto kong huwag nalang malaman...
hahaha. hahaha.
hahaha. hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
huhuhu.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.
hahaha.hahaha.


----yan ang buhay..kahit sobrang saya mo..dadating yung time na magiging mahina ka.
pansinin ninyo..mas kapansinpansin ang kalungkutan kapag binigyan natin ito ng pansin. Sa kabila ng lahat ng kasiyahan..at biglang dumating sa punto na naging malungkot ka sa kahit ano pang kadahilanan..tignan mo..malulugmok ka. Lalo na kapag inentertain mo pa. Kung baga sa pagsusulat eh, binigyan mo pa ng emphasis.. tulad nito..nakabold na, italicized, colored pa. haaayyyyyy...ba't ba ganon.. (ganoon kasi ako)
ARAL....
huwag pansinin ang problema.
Lahat tayo dumadaan dito.
Kung sakaling kalabitin ka,
habang dumadaan ka sa kanya..
lingunin mo...
tignan mo...
kausapin mo...
pero huwag na HUWAG kang sasama.

Ang FRIENDSHIP daw parang sports...

PALAKASAN???.....










Ewan ko lang..
=(