konkreto..iyan ang tawag ko sa sarili ko..di dahil patay na ako..
konkreto...dahil naging matatag ako sa kabila ng lahat ng kahinaan ko..
Minsan iniisip ko...bakit ganito?..
Bakit sila,masaya?..
Bakit sila may buong pamilya?..
bakit sila may magandang buhay?..
Bakit sila may malambing na nanay?..
Hindi naman ako naiinggit..naitatanong ko lang.
Simula pagkabata...nabuhay akong may agam-agam.
Lumaki akong may hinanakit. Nagkaisip ako ng may kinikimkim na galit...
Masuwerte ang mga taong, may mabait na magulang.
Mapalad ang mga batang mahal na mahal nang kanilang nanay at tatay...
Ako..
May nanay..
May tatay..
pero hanggang doon lang iyon.
Naiintindihan ko si Papa...nasa malayo siya para buhayin kami..
Si mama..nandito...kasama namin. Pero hindi namin maramdaman.
Hindi ko maramdaman.
Natatak sa isipan ko ang magpakarebelde dahil sa lahat ng nangyayari.
.....ito si Mama..
........ito kami
simula't sapul,may hinanakit na ako sa kanya.
Bakit?..dahil binuhay nya kaming may takot sa kanya...mahina. Iyakin.
Hindi naman siya masama...
kung ikukumpara mu lang naman sa ibang magulang. Malayung malayo siya.
Malayo ang pigura niya sa nanay na kailangan ko.
Hindi ko pa siya nayayakap simula magkaisip ako,samantalang dalawampu't isang taon na kaming magkasama sa iisang bahay..
Hindi ko pa siya nahahalikan simula ng ako'y mamulat, samantalang halos sa bawat segundo na ginawa ng Diyos ay nagkakabanggaan ang aming katawan..
Hindi ko pa siya nasasabihan ng MAHAL KITA sa personal, samantalang araw-araw ko siyang nakakausap..
Lahat iyan..hindi ko pa nararanasan sa kanya... dahil nabuhay akong may hinanakit at galit.
Ang halik at yakap na inaasam asam ko, hindi ko makuha. Paano naunahan nang maitatak sa katawan ko ang mga palo at latay kapag nagkakamali kami ng gawa.
Ang mga salitang Mahal kita ay naunahan na ng sigaw at mura...
......Tuwing ganoon siya...nagagalit ako sa Diyos. Alam kong mali, pero iyon talaga ang nararamdaman ko..
Natatak sa isipan ko ang nanay na marunong mag-asikaso pero hindi marunong magkalinga..
marunong magsermon pero hindi marunong magpayo...
Marunong manisi pero hindi marunong humingi ng tawad...
Marunong dumisiplina..pero sa maling paraan.
Magaling magpayo sa iba, pero hindi kayang gawin ng mga sarili niyang kamay at isipan...
Isa siyang tao na bumuhay sa amin...pero siya rin ang taong unti-unting pumapatay sa amin.
Kung bibigyan ako ng pagkakataong balikan ang nakaraan...siguro,hindi ko na nanaisin...
Ayoko nang balikan ang panahon na nabuhay akong walang bibig...
Umiiyak ng paimpit...
Nang dalawa hanggang tatlong araw na hindi nagpapalit ng damit..
Na kapag nadapa,ay bubugbugin ka pa sa halip na yakapin..
Bawal maligo hangga't walang pahintulot niya...
Ang hindi makapaglaro sa bahay kasama ng ibang bata..
Ang umiiyak bago matulog...
Ang pumasok sa skul na may tipid na baon...
Ang hindi kumain ng hapunan dahil gabi naman raw...
Ang walang kasamang magulang kapag may okasyon sa eskwelahan...
Ang pumasok sa paaralan bitbit ang mabigat na bag...
Ang halos araw-araw na pinapalo pero walang matakbuhan...
Ang mamalimos ng pagmamahal dahil wala kang mayakap...
Ayoko nang bumalik sa nakaraan, na alam kong nagmumulto pa rin sa kasalukuyan..
Marami na akong ginawang paraan para makalayo...
Lahat kaming magkakapatid, pare-pareho ng paraan..iyon nga lang ako lang ang hindi nagtagumpay. Nagdamay pa ako ng isang anghel na walang kamalay-malay...
Si mama, ang tingin ko sa kanya...masama...
dahil ganoon ang kaniyang pag-uugali..
dahil sa mga latay na naranasan ko at naming lahat..
na halos gabi-gabi,sumisigaw kami sa sakit at Walang matakbuhan.
sa mga murang natatanggap namin sa araw-araw...
sa bawat panunumbat niya dahil kami ang kaniyang naging anak...
nagagalit ako sa kanya...
gusto kong ibalik sa kanya ang lahat ng kanyang ginawa..
pero....
alam kong mali.
Mali. Dahil ehemplo pa rin ang tingin ko sa kaniya.
Kahit saliwa ang kanyang pagkatao.
NANAY pa rin siyang binigay sa akin ng Diyos..
Ngunit...
Natatakot akong baka gawin nya rin sa anak ko ang mga bagay na ginagawa nya dati sakin..sa amin..
..hindi ako nagkamali.
Tuwing dadating ako ng bahay..umiiyak SIYA. naiisip ko nalang, kailan kaya magbabago si mama.
Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit,halos ayaw ko ng umalis ng bahay. Pakiramdam ko, tuwing aalis ako ng bahay nagkakaroon ng giyera.
At ganoon nga ang nagyayari...minsan kahit nakabihis na ako ng pangpasok sa eskwela, nagpapalit uli ako kapag nakikita kong sinasaktan niya si ciara.
Natiis ko dati...pero ngayon baka hindi na.
Ayoko ng madugtungan ang mga nangyari dati.
Ayokong makita ang anak ko na humihingi ng tulong sa akin...
ayokong lumaki siyang may galit din kay mama...
Maraming bagay na hindi maipaliwanag, at maraming pangyayari na hindi malaman kung anong dahilan.
sa ngayon...ito ako. Kaya kong ipaliwanag, pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari.
Natitiis ko paring makasama ang taong nagluwal sa akin..pati narin ang batang iniluwal ko sa kabila ng hinanakit na nangingibabaw.
Wala rin naman kasi akong mapupuntahan.. Hindi ko pa kayang magsarili...
at alam kong kailangan kami ni mama kaya walang dahilan para iwan ko siya.
Iyon nga lang..sana ngayon, magbago na ang lahat.
Galit ako sa mga magulang na walang pagmamahal sa anak...
Pero mas galit ako sa mga anak na walang pagmamahal sa magulang..
OO.
Galit ako sa nanay ko.
Siya ang dahilan ng pagiging konkreto ko..
Pero kahit ganoon...
MAHAL NA MAHAL KO SIYA..
at patuloy na mamahalin pa.
Saturday, February 7, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment