Ilang hakbang nalang, malalapitan na kita…
Ngunit bigla kang umiwas noong malamang ako’y papalapit na.
Wala akong magawa,kung hindi ang lumuha,
Gusto man kitang habulin ngunit huli na.
Ikaw na mismo ang lumiko para di ako makita,
Alam kong kasalanan ko,kaya ngayon natutulala.
Umiyak man ako ng sandamakmak na luha…
Wala rin namang mangyayari…
Wala na kong aasahan pa.
Ilang araw din akong nalugmok,
Gabi-gabi nagmumukmok sa sulok.
Dinadaan sa pananahimik ang lahat ng himutok,
‘pag naaalala kita para akong sinusuntok.
Bakit pinayagan mong lumapit sa’yo ang iba?..
Samantalang ako, hinayaang mag-isa?..
Sabagay,hindi kita masisisi kung wala na talagang pag-asa,
Ngunit kung mayroon pa man, sana nga magawan pa.
Hindi ko matanggap na hindi tayo itinadhana..
Masakit isipin na walang nangyari sa ilang taon kong pagtitiyaga.
Simula’t sapul alam mong pinangarap na kita,
Hindi ko pinansin ang iba dahil hinihintay ko ang pagkakataong
makasama ka.
Ngayon nga, konti na lang makakamtan na kita…
Pero bakit ganito ang kinahatnan nating dalawa?
Sandaling panahon lang kitang iniwan dahil sa dinaranas kong problema,
Bakit bigla mo kong tinalikuran at hindi inunawa?..
Alam kong gusto mo rin ako at matagal nang hinihintay,
Ito na ang pagkakataon natin, pero biglang sumablay.
Tuwing binabanggit ka nila hindi ako mapalagay,
Naiiyak na lang ako pag naiisip kong hindi pa tayo bagay.
Ano pa bang dapat kong gawin para tanggapin mo,
Sa loob ng tatlong taon hindi ako nagloko.
ibinigay ko lahat ng magagawa't makakaya ko,
Tapos sa bandang lang pala tayo mabubulilyaso.
Huwag mo naman akong pahirapan sa kaiisip sayo,
kung wala na talaga, tatanggapin ko.
Pero sa susunod, ikaw nalang muna ang nag-iisang prayoridad ko..
Para naman matupad ko na ang dati ko pang pinapangako...
...ang MAKAAKYAT SA'YO...
pangako yan...
ENTABLADO..
***para sa graduation kong naudlot ngayong march =( ****
Monday, February 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment