Friday, October 9, 2009

NATATAKOT NA KO... ='(

Thursday, October 8, 2009

BIGWAS

Umaga pa lang maingay na ang bubungan,
patuloy na pumapatak ang ga-batong tubig ulan.
Anim na oras nambulabog sa probinsiya't kamaynilaan..
Tila nagsasabing sa araw na iyon sakop niya ang kalupaan.

Sa Sandaling oras, kapaligira'y nagmistulang Ilog Pasig,
Ang tigang na kalsada'y nabalot ng maruming tubig.
Unti-unting nilunod ng bagyo ang bawat matabig,
at walang itinira ni isang lumang kamalig.

Panandaliang nanahimik sa malakas na pagbuhos,
subalit nag-iwan sa lahat ng pusong nagpupuyos.
Maraming tao ang biglang nabusabos
at sa isang iglap naging pulubing nanlilimos.

Binigwasan ni Ondy ang lahat ng nadaanan,
galit na iginanti ang Inang Kalikasan.
Pati bukiri'y naging dalampasigan,
At nilamon ng putik ang mukha ng karangyaan.

Hindi pa nakuntento at kumitil pa ng buhay,
daan-daang tao ang sa agos ay natangay.
Trahedya ngang maituturing ang nangyaring pagkamatay,
Ngunit kung iisipin ang lahat ng ito ay may pakay...

Kung imumulat lang ang isipan sa lubos na katotohanan...
ang bigwas ni Ondoy ay isa lamang palatandaan.
Na lubha ng nasamantala ang ating kalikasan...
Ang basurang itinapon nati'y ngayon tayo'y dinaganan.

Laban nga ito ng tao at kalikasan,
Aral na rin ng mundo at kalangitan.
Pangmulat din sa tunay na kabayanihan,
sa mga taong dati'y makasarili sa pera't kayamanan.

Pangaral ni Inang kalikasan ang naging bagyo,
na kung hindi tayo matututo ay may mas malala pang delubyo.
Baka sa susunod masasalba nalang tayo, kung magpapagawa muli ang Diyos ng ARKO..
Kaya ikaw TAO, pakaingatan mo ang mundo...

TANDAAN MO..
"KAPAG ANG MUNDO AY NAWALA, WALA RIN ANG TAO..
NGUNIT ANG MUNDO, KAHIT WALANG TAO..

AY MANANATILING BUO..