Monday, February 16, 2009

para sa mundo ko..

may mga bagay na pilit kong iniintindi..tulad na lang ng mga panahon na para akong nakakubli. parang hindi nakikita. parang hindi ninyo nararamdaman. Alam kong matagal na ang ating samahan. Matagal ninyo na akong binubuhay sa pamamagitan ng pagkakaibigan. Pero, may mga bagay na talagang gumugulo sa aking isipan. iyon ay ang mga araw na parang wala kayong pakialam. kaya heto, pinipili kong manahimik na lang. Hindi ko na ba kayo maabot?.. hindi na ko makasakay sa mga kuwentuhan nyo pag nakaumpok. Wala akong sama nang loob sa bawat isa. wala akong karapatan para magalit sa mga taong binigyan ako ng pag-asa..noong una.. ngayon at sana sa susunod pa. Nalulungkot lang ako pag minsan pakiramdam ko na isa ako sa naiitsapwera. Paano ko kayo masasakyan kung ganoon nalang ang lagi kong nadarama Tatanungin ninyo ako kung anong problema, pag sumagot ako ng wala..sasabihin nyo hindi ako nagsasalita. Pag sinabi ko naman lahat ng gusto kong ipaunawa..wala. o hindi naman kaya dadalawa lang ang magbibigay ng simpatya. Hindi ko man kayo makasama ngayon araw-araw...o sa susunod pang darating na kasiyahan. Hindi ko man na maabot ang lebel ng inyong karunungan...nandito pa rin ako. Uunawain ko lahat. Sana unawain nyo rin kung bakit ganito ako. Kahit na ang iba sa inyo iniisip na may sarili akong mundo. Tama kayo, may sarili nga akong mundo... sana lang huwag nyong ipagkait ang mundo na pinili ko..
dahil kayo ang mundo ko. Kahit na minsan ay nakikitira ako sa ibang mundo. Nakikisalamuha sa ibang tao. Paano wala kayo..nagkakasiyahan kayo na hindi ako kasalo.Gusto ko uling maramdaman ang pagkakaibigang nakasanayan ko. Huwag naman kayong lumayo... Huwag nyong hayaang mapalayo ako sa inyo... =(

No comments:

Post a Comment