Friday, October 9, 2009

NATATAKOT NA KO... ='(

Thursday, October 8, 2009

BIGWAS

Umaga pa lang maingay na ang bubungan,
patuloy na pumapatak ang ga-batong tubig ulan.
Anim na oras nambulabog sa probinsiya't kamaynilaan..
Tila nagsasabing sa araw na iyon sakop niya ang kalupaan.

Sa Sandaling oras, kapaligira'y nagmistulang Ilog Pasig,
Ang tigang na kalsada'y nabalot ng maruming tubig.
Unti-unting nilunod ng bagyo ang bawat matabig,
at walang itinira ni isang lumang kamalig.

Panandaliang nanahimik sa malakas na pagbuhos,
subalit nag-iwan sa lahat ng pusong nagpupuyos.
Maraming tao ang biglang nabusabos
at sa isang iglap naging pulubing nanlilimos.

Binigwasan ni Ondy ang lahat ng nadaanan,
galit na iginanti ang Inang Kalikasan.
Pati bukiri'y naging dalampasigan,
At nilamon ng putik ang mukha ng karangyaan.

Hindi pa nakuntento at kumitil pa ng buhay,
daan-daang tao ang sa agos ay natangay.
Trahedya ngang maituturing ang nangyaring pagkamatay,
Ngunit kung iisipin ang lahat ng ito ay may pakay...

Kung imumulat lang ang isipan sa lubos na katotohanan...
ang bigwas ni Ondoy ay isa lamang palatandaan.
Na lubha ng nasamantala ang ating kalikasan...
Ang basurang itinapon nati'y ngayon tayo'y dinaganan.

Laban nga ito ng tao at kalikasan,
Aral na rin ng mundo at kalangitan.
Pangmulat din sa tunay na kabayanihan,
sa mga taong dati'y makasarili sa pera't kayamanan.

Pangaral ni Inang kalikasan ang naging bagyo,
na kung hindi tayo matututo ay may mas malala pang delubyo.
Baka sa susunod masasalba nalang tayo, kung magpapagawa muli ang Diyos ng ARKO..
Kaya ikaw TAO, pakaingatan mo ang mundo...

TANDAAN MO..
"KAPAG ANG MUNDO AY NAWALA, WALA RIN ANG TAO..
NGUNIT ANG MUNDO, KAHIT WALANG TAO..

AY MANANATILING BUO..

Thursday, August 6, 2009

SANAY NA KO NA KASAMA KA...











.................................sana lang walang mag-iba.. =(

Thursday, July 30, 2009

noTe to God (//_-) ♥

Today I went to church and as I knelt to pray...
I needed no rehearsal I knew exactly what to say.
I thanked God for Heaven and the stars that shine above.
I thanked him for YOU and giving me your love..
I thanked him for you showing what true love really means.
I thanked him for you appearing in my dreams.
I thanked him for taking away my troubles and what strife..

Thank you God for bringing this wonderful man into my life..

I'll Love him Forever & Always, I promise for sure.

Thank you God he's all I ever wanted, and more...
And as each minute becomes and hour and totals a brand new day.
My love keeps growing stronger more than words can say...
I've loved him for awhile now, right from the very start.

Thank you God..

for guiding him to my heart..

Saturday, July 25, 2009

itigil mu na ang isang bagay..
na imbis mapasaya ka ay pinahihirapan ka lang ng sobra..
walang gamot sa TANGA...

kundi..



PAGKUKUSA..
=(

-bob.ong.

Tuesday, July 14, 2009

SANA....










kasing tapang nalang ako ni MA'AM ETHEL...

Tuesday, May 12, 2009

...repeat chorus..

Banda...diyan tayo nagsimula,
Pagkakaibigan nating binuo ng musika.
Iisa ang tono, iisa ang tugma,
Hanggang sa magkasundo sa iisang kanta.

Kantang nagpatatag sa ating pagsasamahan,
Nagkakilanlan ng hindi namamalayan.
Samahang nauwi sa pagmamahalan,
Na dinaan sa musika ang lahat ng nararamdaman.

Masaya tayo habang sabay na tumutugtog,
Patuloy na kumakanta at umiindayog.
Aliw na aliw sa awit na ating binuo,
Salamat sa Diyos at ginawa niya tayong musikero.

Nang walang kamalay-malay....
ay huminto ang tunog,
Tila plakang nasira sa paulit-ulit na pagtugtog.
Ang marimba nati'y hindi na rin mapukpok,
At wala ng marinig ni isang kalabog.

Panandaliang nawalan ng tono ang buhay,
Pati banda'y naapektuhan simula ng tayo'y maghiwalay.
Pinilit kong tumugtog kahit na lagi ng sablay,
At ikaw'y nama'y lumayo at pinili ang ibang bagay.

Ang mundo kapag walang musika ay wala ring kulay,
Parang kalagayan ko noon na laging malumbay.
Hinahanap-hanap ang kanta, kung saan ako nasanay,
At minsang bumuo sa pagkatao kong kulang sa tiyempo ng buhay.

Hindi naglaon...
Naging masaya naman tayo sa piniling sitwasyon,
At tinalikuran ang kantang binuo natin noon.
Kahit na magkabuhul-buhol na ang kamay sa pagbangon,
Pinipilit humawak ng instrumento para lang makaahon.

Ngunit isang araw naulinigan ko muli ang awit...
Kapareho ng tonong kinalimutan kong pilit.
Hindi nga makapaniwala sa aking narinig,
Dahil baka isa lamang na mapalinlang na tinig.

Subalit..totoo nga..
Bumalik ka at humingi ng paumanhin,
At nangakong gagawin ang lahat madugtungan lang ang kantang nabitin.
Patutunayang nagsisi ka na nang minsa'y naging sakim,
at hindi lang ang sariling kaligayahan ang laging iisipin.

Tinanggap kita, dahil iyon ang nararamdaman ko,
At hindi para ipakitang, sa tugtugang ito...
Ako ang magaling...
Ako ang panalo.
Oo, nagalit ako noon at inilihis ang tiyempo sa iyo,
Ngunit tao rin naman akong marunong magpatawad
sa musikerong tinuruan akong magtono.

Sana nga ngayon ay umayos na...
Alam kong para sa iba'y masakit sa tainga ang ginagawa nating kanta.
Tadhana na ang naglapit upang muli nating magawa,
Ang melodiyang magpapabuhay sa pusong dati'y nagparaya.

Ngayon...
Mayroon na muli tayong lirika.
Bumalik na ang indak at magandang pagtipa.
Magkasama tayo ngayon upang ipagpatloy ang naiwang kanta..
at nangakong hindi hahayaang malaos..
hangga't uso pa ang MUSIKA.

Wednesday, April 22, 2009

minsan gusto kong maasar kay Mc Arthur...


bakit nya pa ksi pinauso ang








..I SHALL RETURN..




-amp-

Tuesday, April 14, 2009

"hindi mahalaga kung ito ay katotohanan o kasinungalingan.. ang mahalaga ay kung saan mo ito ilalaan..."


-HIMALA

Saturday, March 7, 2009

bRYan..BrYAn..BryaN.. (clap.cLAp.cLAp)

napaka unforgettable ng araw na ito...
Simulan natin sa simula...

"MAMi!!!!!!" umiiyak si Ciara. Sarap pa ng tulog ko, pero wala kong magagawa. Kailangan kong asikasuhin ang bata. Nagmamadali akong bumangon...para kong nasa karera. "Mami, basa yung damit.Palit mo'...
...aga-aga responsibilidad kaagad...(hindi ako nagrereklamo =) )

Hindi na ako natulog, inasikaso ko na lang si Ciara. Pagtingin ko sa orasan. PATAY!!! Late na naman ako.. nakalimutan ko na naman ang isa ko pang responsibilidad. Ang pagiging estudyante. Nagmadali ako. Para kong nasa palengke. Ngarag sa ingay. Hidni ko alam kung sino ang unang aasikasuhin ko. Si Ciara o ang pagpasok ko.

Umalis ako ng bahay late na...

(malamang di na ako abot sa subject ko. Badshot na naman ako sa prof.ko)

Pagsakay ko ng jeep..

...si Kuya, nahulugan ng isang libo. (ako naman si mabait) nagmagandang loob na isoli. (kaso di man lang nag thank you si Kuya) =(

...bumaba na ako ng Recto.. mabuting bata ako, hinintay ko magstop lahat ng jeep. (tulad ng nakagawian..soundtrip. naka earphone)...

biglang...

NAWALA ANG SOUNDS!!..nagtaka ko malamang. Tinignan ko ang phone ko kung lowbat na.. d*mN sh*t!!!! yung cellphone ko nawala rin!!!.. Nakita ko si kuya/ate na nasa harap ko.. nagmamadali sumakay ng jeep papuntang Divisoria. Sinundan ko. Nararamdaman ko siya yung kumuha. +instinct+ Pagsakay nya sumakay din ako.

ITS A JOB FOR "ANGELI the BRAVE girl" wa ko pakels kung sino pa siya, basta gusto ko lang makuha fone ko. (haler kung nagkataon pangatlong beses ko nang makukuhaan ng cellphone)
Tumabi ako sa kanya..

Angeli: kuya alam ko ikaw lang yung nasa likod ko kanina..tsaka naramdaman ko na binangga mo ko. Nawawala po kasi yung cellphone ko

Kuyang bading: Huh?..hindi ko alam sinasabi mo...kahit halungkatin mo pa gamit ko wala kang makikita jan.

Angeli: (may nakitang cellphone at MP4) Kuya, patingin ako ng jacket mo. Baka nandiyan. Pls.kuya balik mo na...promise hindi kita papahuli sa pulis. Basta balik mo lang.

Kuyang bading: Wala nga sa akin eh..ano bang ilalabas ko?.. sige iparing mo..

Angeli: (kinuha ko yung is akong fone.Pinaring ko)

Kuyang bading: O?.. may naririnig ka bang tunog galing sa kin?..

Angeli: Kuya, walang tunog yun!! naka silent fone ko eh! sige na kuya ilabas mo na. Hinablot ko ang bag ni kuya, hinalukay ko hanggang ikalaliman ng bag nya. (pakshet,andameng make-up ng bading)..

Kuyang bading: Wala nga kasi sa akin huwag mo kong pagbintangan miss! medyo galit na si kuya.

Angeli: (tinarayan ko rin) Eh ikaw lang naman kasi yung nakita kong nasa likod ko kanina!! sige na kuya ilabas mo na!! (nagtinginan lahat ng pasahero)

Kuyang bading: (bumulong) huwag ka ng maingay diyan..bababa tayo..isosoli ko sayo. huwag ka lang maingay diyan.

...hinintay ko siya magpara. Bumaba kami. Kinakabahan ako baka may kutsilyo at bigla nalang akong saksakin . Pero deadma lang sa'kin. Ang tapang ko sa araw na 'to.

Angeli: Pls. kuya ibalik mo na..sige na nman kuya..

Kuyang bading: (nilabas ang fone ko sa loob ng jacket nya) o ayan.. pasensiya ka na kung kinuha ko. Sana maintindihan mo ko kaya ko lang ginawa to kasi 50-50 yung nanay ko sa hospital..kailangan nya ng panggamot. Yung kaninang kinukulit mo ko, naaawa na ko sa'yo nun kaya ito isosoli ko na lang.

Angeli: (kinuha yung fone) salamat kuya, huwag kang mag'alala di na kita papahuli. Bast huwag mo ng ulitin.

...at si kuya niyakap ako.. (close????) medyo matagal. Hinihintay ko na lang na may maramdaman akong kirot sa katawan ko at may lumabas na dugo. Pakiramdam ko sasaksakin ako ni kuya. (pero hindi naman)

...nagsorry siya.

Kuyang bading: anong pangalan mo?..

Angeli: Lhie po.

Kuyang bading: ako si bryan. Pakiusap ko lang kung sakaling makita mo uli ako dito tumahimik ka nalang ah. Huwag mong isumbong na snatcher ako.

Angeli: (si ako naman, oo lang)Sige na kuya umalis ka na. Pagdadasal ko na lang po na gumaling nanay mo. Basta kuya huwag mo ng uulitin ah! (medyo mataray pagkakasabi ku nun)

...pagkabitiw nya sakin tumakbo na ko.
WAAAAAAAAAAAAAHH!!!!! potek. nanginginig na ko nun..haha.tapang tapangan ang drama ko.haha

wew. buti na lang walang nangyaring masama sakin. Ang tapang ko medyo hinabol ko pa talaga siya. wiihhh.. THANK YOU LORD.

wih..nga pala di kami nakapagbayad sa jEep. (bad) haha.

Saturday, February 21, 2009

mY tOp 10 soNgs

10.
never gonna let you go.. faiTh evAns

09.
If I werE a boY.. - bEyonCe

08.
voiCe wiThin.. - ChrisTins aguiLLerA

07.
I wAnnA knOw.. joE

06.
oN beNded KnEe..-boYzIImEn

05.
dAncE wiTh mY faTher.. -luTher VAndrOsS

04.
juSt sTAnd uP.. variOUS artiSt

03.
oNe swEet daY - BoyzIImen feAt. maRiah caREy

02.
cOncreTe anGEL.. -MartinA mCbriDe

01.
ID RATHER.. - luTher vanDroSs

Wednesday, February 18, 2009

"huwag kayong mainggit sa kakayahan ko na kayang isulat ang lahat ng nararanasan. Kaya nyo rin naman... ayaw nyo lang na matawag kayong emosyonal.."


Monday, February 16, 2009

para sa mundo ko..

may mga bagay na pilit kong iniintindi..tulad na lang ng mga panahon na para akong nakakubli. parang hindi nakikita. parang hindi ninyo nararamdaman. Alam kong matagal na ang ating samahan. Matagal ninyo na akong binubuhay sa pamamagitan ng pagkakaibigan. Pero, may mga bagay na talagang gumugulo sa aking isipan. iyon ay ang mga araw na parang wala kayong pakialam. kaya heto, pinipili kong manahimik na lang. Hindi ko na ba kayo maabot?.. hindi na ko makasakay sa mga kuwentuhan nyo pag nakaumpok. Wala akong sama nang loob sa bawat isa. wala akong karapatan para magalit sa mga taong binigyan ako ng pag-asa..noong una.. ngayon at sana sa susunod pa. Nalulungkot lang ako pag minsan pakiramdam ko na isa ako sa naiitsapwera. Paano ko kayo masasakyan kung ganoon nalang ang lagi kong nadarama Tatanungin ninyo ako kung anong problema, pag sumagot ako ng wala..sasabihin nyo hindi ako nagsasalita. Pag sinabi ko naman lahat ng gusto kong ipaunawa..wala. o hindi naman kaya dadalawa lang ang magbibigay ng simpatya. Hindi ko man kayo makasama ngayon araw-araw...o sa susunod pang darating na kasiyahan. Hindi ko man na maabot ang lebel ng inyong karunungan...nandito pa rin ako. Uunawain ko lahat. Sana unawain nyo rin kung bakit ganito ako. Kahit na ang iba sa inyo iniisip na may sarili akong mundo. Tama kayo, may sarili nga akong mundo... sana lang huwag nyong ipagkait ang mundo na pinili ko..
dahil kayo ang mundo ko. Kahit na minsan ay nakikitira ako sa ibang mundo. Nakikisalamuha sa ibang tao. Paano wala kayo..nagkakasiyahan kayo na hindi ako kasalo.Gusto ko uling maramdaman ang pagkakaibigang nakasanayan ko. Huwag naman kayong lumayo... Huwag nyong hayaang mapalayo ako sa inyo... =(

baLisang isip..

Gabi-gabi nalang balisa..
iniisip mga kasalanang nagawa.
Mga bagay na pinalagpas ang pagkakataon,
Kaya ngayon nalulugmok sa mga iniwan ng panahon.

isip ay nakakadena...
kaya bumabalisa.
Sa pagkakakulong pilit kumakawala...
pumipiglas sa bawat galaw ng diwa.

Balisang isip nangingibabaw..
nakakapagod din palang magpaalipin sa sariling kabaliwan.
Araw-araw parang nawawala ka sa katinuan...
binubusabos ng kabalisaan ang pagkataong di maintindihan.

Maraming bagay ang pumapasok sa isipan..
tila paulit-ulit na tinatanggal ang matinding kamalayan.
Suko na ako sa ganitong kalagayan..
PAKIUSAP...palayain nyo na ako..
sa mundo ng kabalisaan.

-kRos mai haRt-

Ilang hakbang nalang, malalapitan na kita…
Ngunit bigla kang umiwas noong malamang ako’y papalapit na.
Wala akong magawa,kung hindi ang lumuha,
Gusto man kitang habulin ngunit huli na.

Ikaw na mismo ang lumiko para di ako makita,
Alam kong kasalanan ko,kaya ngayon natutulala.
Umiyak man ako ng sandamakmak na luha…
Wala rin namang mangyayari…
Wala na kong aasahan pa.

Ilang araw din akong nalugmok,
Gabi-gabi nagmumukmok sa sulok.
Dinadaan sa pananahimik ang lahat ng himutok,
‘pag naaalala kita para akong sinusuntok.

Bakit pinayagan mong lumapit sa’yo ang iba?..
Samantalang ako, hinayaang mag-isa?..
Sabagay,hindi kita masisisi kung wala na talagang pag-asa,
Ngunit kung mayroon pa man, sana nga magawan pa.

Hindi ko matanggap na hindi tayo itinadhana..
Masakit isipin na walang nangyari sa ilang taon kong pagtitiyaga.
Simula’t sapul alam mong pinangarap na kita,
Hindi ko pinansin ang iba dahil hinihintay ko ang pagkakataong
makasama ka.

Ngayon nga, konti na lang makakamtan na kita…
Pero bakit ganito ang kinahatnan nating dalawa?
Sandaling panahon lang kitang iniwan dahil sa dinaranas kong problema,
Bakit bigla mo kong tinalikuran at hindi inunawa?..

Alam kong gusto mo rin ako at matagal nang hinihintay,
Ito na ang pagkakataon natin, pero biglang sumablay.
Tuwing binabanggit ka nila hindi ako mapalagay,
Naiiyak na lang ako pag naiisip kong hindi pa tayo bagay.

Ano pa bang dapat kong gawin para tanggapin mo,
Sa loob ng tatlong taon hindi ako nagloko.
ibinigay ko lahat ng magagawa't makakaya ko,
Tapos sa bandang lang pala tayo mabubulilyaso.

Huwag mo naman akong pahirapan sa kaiisip sayo,
kung wala na talaga, tatanggapin ko.
Pero sa susunod, ikaw nalang muna ang nag-iisang prayoridad ko..
Para naman matupad ko na ang dati ko pang pinapangako...

...ang MAKAAKYAT SA'YO...
pangako yan...
ENTABLADO..



***para sa graduation kong naudlot ngayong march =( ****

Thursday, February 12, 2009

sAbi sA mMk...





...WALANG TUNAY NA PAG-IBIG NA HINDI NAKAPAGHIHINTAY SA TAMANG PANAHON..

--tama

Saturday, February 7, 2009

sa LikOd ng pagiging konkreto..

konkreto..iyan ang tawag ko sa sarili ko..di dahil patay na ako..

konkreto...dahil naging matatag ako sa kabila ng lahat ng kahinaan ko..

Minsan iniisip ko...bakit ganito?..
Bakit sila,masaya?..
Bakit sila may buong pamilya?..
bakit sila may magandang buhay?..
Bakit sila may malambing na nanay?..
Hindi naman ako naiinggit..naitatanong ko lang.

Simula pagkabata...nabuhay akong may agam-agam.
Lumaki akong may hinanakit. Nagkaisip ako ng may kinikimkim na galit...
Masuwerte ang mga taong, may mabait na magulang.
Mapalad ang mga batang mahal na mahal nang kanilang nanay at tatay...

Ako..
May nanay..
May tatay..

pero hanggang doon lang iyon.

Naiintindihan ko si Papa...nasa malayo siya para buhayin kami..
Si mama..nandito...kasama namin. Pero hindi namin maramdaman.
Hindi ko maramdaman.
Natatak sa isipan ko ang magpakarebelde dahil sa lahat ng nangyayari.

.....ito si Mama..
........ito kami

simula't sapul,may hinanakit na ako sa kanya.
Bakit?..dahil binuhay nya kaming may takot sa kanya...mahina. Iyakin.
Hindi naman siya masama...
kung ikukumpara mu lang naman sa ibang magulang. Malayung malayo siya.
Malayo ang pigura niya sa nanay na kailangan ko.
Hindi ko pa siya nayayakap simula magkaisip ako,samantalang dalawampu't isang taon na kaming magkasama sa iisang bahay..
Hindi ko pa siya nahahalikan simula ng ako'y mamulat, samantalang halos sa bawat segundo na ginawa ng Diyos ay nagkakabanggaan ang aming katawan..
Hindi ko pa siya nasasabihan ng MAHAL KITA sa personal, samantalang araw-araw ko siyang nakakausap..
Lahat iyan..hindi ko pa nararanasan sa kanya... dahil nabuhay akong may hinanakit at galit.
Ang halik at yakap na inaasam asam ko, hindi ko makuha. Paano naunahan nang maitatak sa katawan ko ang mga palo at latay kapag nagkakamali kami ng gawa.
Ang mga salitang Mahal kita ay naunahan na ng sigaw at mura...
......Tuwing ganoon siya...nagagalit ako sa Diyos. Alam kong mali, pero iyon talaga ang nararamdaman ko..
Natatak sa isipan ko ang nanay na marunong mag-asikaso pero hindi marunong magkalinga..
marunong magsermon pero hindi marunong magpayo...
Marunong manisi pero hindi marunong humingi ng tawad...
Marunong dumisiplina..pero sa maling paraan.
Magaling magpayo sa iba, pero hindi kayang gawin ng mga sarili niyang kamay at isipan...
Isa siyang tao na bumuhay sa amin...pero siya rin ang taong unti-unting pumapatay sa amin.

Kung bibigyan ako ng pagkakataong balikan ang nakaraan...siguro,hindi ko na nanaisin...

Ayoko nang balikan ang panahon na nabuhay akong walang bibig...
Umiiyak ng paimpit...
Nang dalawa hanggang tatlong araw na hindi nagpapalit ng damit..
Na kapag nadapa,ay bubugbugin ka pa sa halip na yakapin..
Bawal maligo hangga't walang pahintulot niya...
Ang hindi makapaglaro sa bahay kasama ng ibang bata..
Ang umiiyak bago matulog...
Ang pumasok sa skul na may tipid na baon...
Ang hindi kumain ng hapunan dahil gabi naman raw...
Ang walang kasamang magulang kapag may okasyon sa eskwelahan...
Ang pumasok sa paaralan bitbit ang mabigat na bag...
Ang halos araw-araw na pinapalo pero walang matakbuhan...
Ang mamalimos ng pagmamahal dahil wala kang mayakap...


Ayoko nang bumalik sa nakaraan, na alam kong nagmumulto pa rin sa kasalukuyan..

Marami na akong ginawang paraan para makalayo...
Lahat kaming magkakapatid, pare-pareho ng paraan..iyon nga lang ako lang ang hindi nagtagumpay. Nagdamay pa ako ng isang anghel na walang kamalay-malay...

Si mama, ang tingin ko sa kanya...masama...

dahil ganoon ang kaniyang pag-uugali..
dahil sa mga latay na naranasan ko at naming lahat..
na halos gabi-gabi,sumisigaw kami sa sakit at Walang matakbuhan.
sa mga murang natatanggap namin sa araw-araw...
sa bawat panunumbat niya dahil kami ang kaniyang naging anak...

nagagalit ako sa kanya...
gusto kong ibalik sa kanya ang lahat ng kanyang ginawa..
pero....
alam kong mali.

Mali. Dahil ehemplo pa rin ang tingin ko sa kaniya.
Kahit saliwa ang kanyang pagkatao.

NANAY pa rin siyang binigay sa akin ng Diyos..

Ngunit...

Natatakot akong baka gawin nya rin sa anak ko ang mga bagay na ginagawa nya dati sakin..sa amin..

..hindi ako nagkamali.

Tuwing dadating ako ng bahay..umiiyak SIYA. naiisip ko nalang, kailan kaya magbabago si mama.
Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit,halos ayaw ko ng umalis ng bahay. Pakiramdam ko, tuwing aalis ako ng bahay nagkakaroon ng giyera.
At ganoon nga ang nagyayari...minsan kahit nakabihis na ako ng pangpasok sa eskwela, nagpapalit uli ako kapag nakikita kong sinasaktan niya si ciara.
Natiis ko dati...pero ngayon baka hindi na.
Ayoko ng madugtungan ang mga nangyari dati.
Ayokong makita ang anak ko na humihingi ng tulong sa akin...
ayokong lumaki siyang may galit din kay mama...

Maraming bagay na hindi maipaliwanag, at maraming pangyayari na hindi malaman kung anong dahilan.

sa ngayon...ito ako. Kaya kong ipaliwanag, pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari.
Natitiis ko paring makasama ang taong nagluwal sa akin..pati narin ang batang iniluwal ko sa kabila ng hinanakit na nangingibabaw.
Wala rin naman kasi akong mapupuntahan.. Hindi ko pa kayang magsarili...

at alam kong kailangan kami ni mama kaya walang dahilan para iwan ko siya.

Iyon nga lang..sana ngayon, magbago na ang lahat.

Galit ako sa mga magulang na walang pagmamahal sa anak...
Pero mas galit ako sa mga anak na walang pagmamahal sa magulang..

OO.
Galit ako sa nanay ko.
Siya ang dahilan ng pagiging konkreto ko..
Pero kahit ganoon...

MAHAL NA MAHAL KO SIYA..
at patuloy na mamahalin pa.

Wednesday, February 4, 2009

..wHere's cuPid?..

Have you ever set your heart on someone though you didn't stand a chance?
Have you ever wished that someone would think the way you do?
Have you ever fell in love with someone who didn't love you too?
Have you ever tried to explain to them the feelings in your heart, only to hear a response, that tears your heart apart.?
Have you ever spent so much time with someone, even though it hurts inside.?
Have you ever tried to save a friendship, by having your feelings hide?
Have you ever wanted that friendly hug, to turn into a kiss?
Have you ever wished your heart would stop wishing,
For those things that won't come true?
Have you ever wished that....
that someone would try to love you too?..