Lena, gumalaw ka!
Huwag mong itigil ang panahon dahil sa kanya..
Kahit ilang beses ka pang umiyak.
Sabi ko nga..kasalanan mo rin ‘yan.
Tahan na Lena, tahan na..
Mauubos na ang luha sa’yong mga mata..
Isipin mo hindi lang siya ang puwedeng magmahal sa’yo…
Napakaraming mabuting tao sa mundo.
‘Yan ka na naman tulala..
Kahit bilangin mo pa ang pag-ikot ng bentilador..
HINDING HINDI MO NA MAIBABALIK ANG KAHAPON..
Pakiusap Lena, kumalma ka..
Huwag mong idaan lahat sa pagluha..
Magsaya ka at tumawa..
Paggising mo isang araw..
Tignan mo.. LIMOT mo na siya..
Isipin mo kagat lang ‘yan ng LANGGAM..
Masakit at mamumula..
Pero hindi ‘yan mag-iiwan ng PILAT
Na habang buhay mong dala-dala..
Sige na naman Lena..
Huwag mong sayangin ang oras mo
Sa panunuod ng usok sa kape mo..
Huwag mo ng bilangin ng paulit-ulit ang butil ng bigas sa kaban nyo..
KUMILOS ka..sige na..
Igalaw mo na ang ‘yong mga paa..
Sige na Lena.. tahan na..
Ibuka mo na ang iyong mga braso..
Yakapin mo na lang ang totoo..
Simulan mo ngayon ang pagbabago..
At mamuhay kang katulad dati noong wala pa siya sa buhay mo..
Lena..
Huwag ka nang makipaglaro ng HABULAN..
Dahil madali kang mapagod..
MAKIPAGTAGUAN ka na lang..
Dahil doon.. IKAW MAN ANG TAYA.. at hindi mo siya hinanap..
Sa banding huli KUSA RIN SIYANG LALABAS..
Baguhin mo ang sarili mo Lena..
Patungo sa mabuti at huwag sa masama..
Linlangin mo ang lahat sa BAGO mong ANYO..
At kapag nakita KA NIYA uli..
Tiyak.. SIYA na ang SISIPHAYO..
Pakiusap Lena.. makinig ka sa akin..
Gawin mo ito lahat..
Para saan pa ang pagsulat mo ng KATALEPSYA.,
Kung hindi mo rin pala bibigyan ng halaga..
Si IMANG ka man sa isang akda..
Isipin mo konkreto ka..
Tama na Lena..
Hindi ka na BATA..
Sige na..
Patunayan mong MATAPANG ka..
HALIKA NA Lena..
Hawakan mo na ang kamay ko..
TARA na Lena..
TUMAHAN ka na..
Hinihintay ka na ni ciara… :'(
Wednesday, February 24, 2010
Sunday, February 21, 2010
(//_T)
"At kahit na anong gawin
Di mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo
Na wala ka nang mabubuga
Parang 'sang kandila na nagdadala
Ng ilaw at liwanag
Nauubos rin sa magdamag..."
Di mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo
Na wala ka nang mabubuga
Parang 'sang kandila na nagdadala
Ng ilaw at liwanag
Nauubos rin sa magdamag..."
Saturday, February 20, 2010
Akala ko di ko na mauulit ang dati..
Ang mag-pagala gala sa tabi.
naghihintay habang humihikbi..
naghihintay sa nagkukubli :(
Noon, nalibot ko ang buong Sta.Elena..
Doon sa Marikina, sa lugar kung saan ako nawala..
Nawala ang aking pagkatao.
Isip.puso..buong ako..
Ngayon sa R.papa..
sa dulo ng Morayta..
nawala na naman ako sa sarili..
dahil sa taong nagkukubli..
nilunod ko ang sarili sa pag-inom..
sa sulok ng gotesco..
sa sulok ng kasuluksulukan..
para walang makakita sa mukha kog malamlam..
marami ang nagsubok lumapit..
"miss, may kasama ka? tanong sakin..
Wala..
pero may hinintay akong darating..
sunod may nagsubok na namang lumapit..
"miss, may lighter ka?"
sabay abot ng nakayuko..
ayokong makita nila ang mata ko na tagos hanggang puso..
Pangatlo.. may dalang baso..
"miss, gusto mo?..mag-isa ka ata, tara inom tayo"
"hindi, may hinihintay ako.."tugon kong di makatingin ng diretso..
Mga sampung tao ata ang lumapit sakin..
Nagpakilala..nanghiram..nag-alok..
pero wala ni sa kanila ang nagpaluwag sa nararamdaman ko..
dahil yung taong hinihinatay ko..
hindi ko alam kung naalalang nandoon pa ako.
Wala nga.. Wala siya..
Hatinggabi na..pero nakatulala pa..
Asan ka na..Asan ka na.. pindot ko sa keypad.
biglang nablanko. Lowbat :(
Sinubok kong pumuntang morayta..
may isang pulubing lumapit sakin..
"miss may yosi ka pa?pahingi naman ng isa"
diretso lang ako..parang walang nakita..
MASAKIT..
masakit dahil wala kong napala..
Masakit dahil hindi niya ko naalala..
Masakit dahil naiwan akong mag-isa..
Masakit dahil masakit at wala ng isasakit pa..
Pagtapos noon..
tapos na nga..
Heto, natuto na uli akong tumipa..
Sumulat..
Biglaan..
kung ano lang ang lumabas..
kung ano lang ang maibulalas..
Kung hanggang saan lang kakayanin ng emosyon ko..
kung hanggang saan lang kayang ipahatid ng utak ko..
pagkatapos nito..
pangako..
mabubuhay ako katulad dati noong di ka pa bumabalik..
noong hindi ka pa sa buhay ko pumapanhik..
pangako..
huli na to..
PAUSED....
isa na uli akong KONKRETO.

Friday, February 19, 2010
......PAUSEd
ito na naman ako..pumunta kong piyu.
basag ang buong pagkatao.
may lamat kanina..
pero nung tumagal natuluyan na.
lumapit ako sa kanya..sumama naman siya.
Walang pinatunguhang usapan.wala.wala.wala..
tulad dati naging mahina ako.
pinigilan ko ngunit dugo na ang kusang tumulo.
wala kong maramdaman kundi sakit ng puso.
pusong nagtampo sa pusong dati'y nangako.
Tapos na nga ang tugtog na ginawan ng karugtong.
Karugtong na nalihis bigla ang tunog.
nakakahiya pero ganon talaga..
di ko mapigilan ang pusong napipita.
Matalas man ang labaha,wala kong naramdaman..
katulad dati..manhid manhidan..
di pa tapos ang usapan..bigla siyang nawala..
tumayo ako at hinabol ang pag-asa.
pagpunas ng mata ko sa luhang tumulo..
napunasan din ang ala-alang dati'y naging tayo.
naghintay ako pero wlang dumating..
ilang tao narin ang nagsubok saki'y lumapit.
wala kong kasama kundi alak at yosi..
bawat hithit..nakakalimot ako sa sarili..
sana nga ganon kadali ang lahat..
pagsindi ng yosi..pag ubos na..kusang mamamatay..
walang kahirap-hirap..
nangyayari sa isang kurap..
Naghanap ako sa buong Morayta..
parang dati lang noon kay _ _ sa Marikina..
may hawak na yosi..hithit..hanggang R.papa
Wala siya.. wala na nga siya..
ang lahat ng nasa paligid ko..nagsara na..
pero umaasa pa ring makikita ko siya..
Bawat lingon..bagsak ng pinto ang naririnig..
parang puso kong unti-unting nanginginig.
Tama na nga..tapos na..
kahit hindi malinaw ang lahat.. :'(
kahit hindi ko na siya matatanaw..
Kahit hindi na naman ako makagalaw..
Tama na..
Tapos na..
sana wala ng susunod pa..
dahil tama na ang dalawa..
sa pusong laging pinapaasa..
ang bigat sa dibdib..
makirot sa isip..
wala ng mapaglagyan ng kimkim..
tuyo ng damdamin...
:'(

Friday, February 12, 2010
Subscribe to:
Comments (Atom)