Friday, March 12, 2010

SHMILY

paulit ulit na lang..
parang dati na biglaan...
Hindi ko namalayan..
nahuhulog na pala ako sa kalungkutan.

MASAYA ako kapag nakakausap kita.
Minsan pa lang tayong nagkasama, pero parang ang tagal na nating magkakilala.
Nawawala ang LUNGKOT ko kapag nangangamusta ka...
BAKIT??..
Sa ganoong dahilan na naman ba?
HINDI KO MAKITA. Pero malinaw.
Malinaw pero MALABO.
Ang gulo!!!
pero maayos naman sa paningin ko..

BAKIT KA PA KASI DUMATING?..

walang kasiguraduhan..
Ang alam ko lang, masaya ako.. dahil sa'yo..

PERO..

talagang malabo!

Hinahanap-hanap ka ng paningin ko..
nang tenga ko..
Gusto kong pigilan..
pero AYOKO!

May sinasabi ka dati..
wala lang sa akin.. kunwari..

NGAYON..

MERON na..

Kung alam ko lang na magiging ganito..
Sana dati pa, pinigilan ko na ang sarili ko.

kasi kahit malinaw..alam kong malabo..

Basta kung saan man 'to mapunta..
sana dyan ka lang sa ibaba..

Konti na lang..

MAHUHULOG na ako..

Sana..
Nandiyan ka para sumalo.

PERO..
sa ngayon..
ganito muna tayo..
Ayokong pilitin ka katulad ng nakaraan mo..
at kung Ano man 'yang pinagkakaabalahan mo..
Maghihintay ako.


Pangako..




tulad ng sabi mo..


Gagawin ko rin lahat para sa 'yo...






-------Shmily..
-daddy

No comments:

Post a Comment